Epilogue.
March.
Weee malapit na ko mag 4th year! \(*U*)/
Nandito kami ng mga HS students ngayon sa gym. Purity talk ata to? Di ako nakikinig eh! HAHAHAHAHAHA! Para daw sa paghahanda sa college to kung pano makikipag socialite ng maingat sa iba.
5 months.
5 months na ang nakalipas simula ng may mangyaring di maganda at kanais nais sa buhay ko na pilit kong kinakalimutan at mag move-on. Pero sa totoo lang, hindi ko kaya.
Pinipilit kong ngumiti at maging masaya. Simula ng guluhin ni Lorraine ang buhay ko.
Wala na siya dito. Nung araw na medyo magaling na ako ay ni report ko agad siya sa school at pinakita ang ibang katibayan tulad ng mga sugat na meron ako. Agad naman siyang na kick-out.
Naging maayos na ulit ang pakikisama ng mga tao sakin dito sa school.
Si Joseph. Parang magkapatid nadin kami. Grabe! Napaka overprotective sakin! Sabay kami umuwi niyan tuwing hapon kasama ang bestfriend kong si Nikki.
Speaking of Nikki? Ayun, okay sa alright na sila ni Jastin. Masaya na ulit sila. Ako na lang yata walang lovelife?
Si Gab? Sino yun? Haha! Joke lang. =______= eto, nandito siya sa likod ko nakaupo. Simula kasi ng nangyari noon, hindi na kami nakapag usap pa. Handa naman akong magpatawad. Past is past na naman eh. Pero, hindi ako makalapit dahil sa hiya, dahil sa sungit! Kaya yun nangingibabaw nanaman galit ko. One time kasi nag attempt ako na lumapit, pagkatingin ko sa mukha niya mukhang retarted! Di na lang ako tumuloy. Pero parang okay din naman yata sakanya eh. Hayaan nalang.
Pero bakit ganun? Ramdam kong palaging may kulang?
"Sino ba dito ang may first kiss na? Raise your hands! Aba aba! Ang active ng grupong to ah! Haha! Wow andami!" Masiglang sabi ng speaker.
Itataas ko ba kamay ko?
Siniko siko ako ni Nikki. Tapos ngumuso sa likod. Patay! Oo nga pala nandun siya. TT.TT Pero nakataas din kaya kamay niya?
Tumingin ako kay Nikki ng pakitingin-naman-kung-nakataas-ba look na agad naman niyang sinunod.
Nanlaki yung mata ni Nikki at umiling iling. What?!? Lumingon nako sa likod at nakita kong nakataas ang kamay niya at nakangiti. Napatingin tuloy siya sakin. -.-
Tinignan ko ang bruhang si Nikki na tawa ng tawa. Jackpot to sakin mamaya. Pero itataas ko padin ba?
"Mam diba po BE HONEST!!!" Salita nung isang lalaki sa likod ko. Ano bang problema nito? Sa ayaw kong magtaas eh! Talagang blurted out pa yung words niya sa huli wala namang mam na nakikinig sakanya. >.<
Naramdaman kong may nagpumilt magtaas ng kamay ko mula sa likod. Di nako makapag tiis.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!?" Syempre medyo maingay sa gym at madaming tao kaya konti lang nakarinig.
"Tinataas kamay mo." Alam ko! Di ako bulag at manhid!
Hay! Panira ng araw. Makaalis na nga lang. Badtrip!
Umakyat ako sa room para kunin ang pitaka ko. Bahala nang cutting ako kesa makakita ako ng chonggong manloloko sa gym. Nasan na ba yung pitaka ko?!?!? HALA! Nawawala! Aish. Mangutang kaya ako? Pero hindi naman pwede! Napakamalas naman ng araw na to oh!
"Beautiful girls, all over the world, i could be chasing but my time would be wasted coz they got nothing on you baby....."
Napalingon ako sa nakanta sa may bandang pinto ng room namin. Watda heck?!? Hanggang dito ba naman di niya ko tatantanan?!?
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...