Inaamin ko, miski ako nabitin sa last chapter. HAHAHAHA! XD
Okay. Back to normal? :)
---
Chapter 17
(NP; Migraine by moonstar 88)
**Oo nga pala, hindi nga pala tayo,
Hanggang dito nalang ako, nangangarap na mapasayo,**
Hanggang ngayon nag bbuffer pa din ang utak ko gawa kanina. Binaba niya ko sa park. Buti nalang medyo malapit na to sa bahay namin.
Pagkapasok ko sa bahay, may napansin agad ang kapatid ko.
"Uy? Ayos ka lang ba? Kain na!"
Ginabi nako ng uwi gawa ng bipolar na yun.
"Okay lang. Una ka nalang. Akyat muna ko."
"Saglit lang anong meron sa labi mo? Bakit May suga---"
Hindi ko na pinatapos ang kapatid ko sa pagsasalita dahil umakyat na ko.
Napaupo nalang ako sa kama ko.
**Asan nga ba ako, andyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito, asan ba ko sayo? Oh asan ba ko sayo?
Nasusuka na ako, kinakain na ang loob..**
"Wala nakong first kiss. Masaya ba ko dahil napunta yun kay Gab?" Kinakausap ko ang sarili ko.
Tumayo ako para humarap sa salamin. Ano kayang itsura ko?
"Sabi na eh.... May sugat..." Tinitigan ko ang labi ko. May sugat to sa baba. Dumudugo. Ano kayang ibig sabihin neto?
Sasaktan niya rin ako tulad ng ginawa niya kay Lorraine?
**Nahihilo, nalilito, asan ba ko sayo? Oh asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito, asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?**
Naaalala ko ang nangyari kanina. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Halu halo.
*Baby you light up my world like nobody else..*
"Ay kalabaw!"
Anubayan! Panira ng moment!
1 message received from Ikkin.
*Sab nakauwi ka na? Papunta ako diyan. TT.TT*
"Anong problema nito?"
*Oo.. Kakauwi ko lang.. Bilisan mo.*
Maya maya pa'y may kumatok na sa kwarto ko. Pagkabukas na pagkabukas ko, niyakap ako ng bestfriend kong umiiyak. Sinipa ko ang pinto para magsara ito. Umupo kami sa kama.
"Sssh. Shh. Tahan na.*
Bakit ganun? Ngayong araw andaming yumayakap sakin na naiyak? Except lang nung kanina sa sasakyan! AISH! ERASE! ERASE! >.<
"Sab, nakikipag break sakin si Jastin. Nahihirapan na daw siya. Sab ayoko!" Muli itong yumakap sakin ng mahigpit.
"Ssshh. Ano bang nangyari?"
"Sabi niya, ang puso hindi permanente. Minsan pwede daw mag-iba ang tibok nito. Anung ibig sabihin nun? May iba na siyang nagugustuhan?!" May naalala akong kinwento sakin si Nikki dati na bago pa maging sila ni Jastin ay may nagustuhan daw muna itong babae. Joyce ata ang pangalan nun?
"Dahil ba kay Joyce?"
"Hindi ko alam! Sab hindi ko alam!"
"Ssshh. Tahan na. Gagawa tayo ng paraan."
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...