Chapter 19- I'm in danger

44 1 0
                                    

Chapter 19

"Kuya alis na ko."

"Geh. Ingat ka. Gusto mo sabay na tayo?"

"Wag na." Gusto ko muna mag isa...

Maglalakad nalang ako papuntang school.

Lakad. Lakad. Lakad. Lak---

At dahil nakayuko ako hindi ko alam na nabangga ko na naman siya.

"G-gab?"

"Bakit ba palagi mo nalang akong nababangga?"

"Sorry. Excuse me." Paalis na sana ko. Ayoko munang may sasagabal sakin ngayon. Pinigilan niya ko.

"Sab."

"O-oh?"

Wala siyang imik imik at sinabayan niya lang ako ng lakad.

"Sorry. Sorry ulit."

"S-saan?"

"S-sa nangyari nung sa sasakyan ko...."

Sa nangyari samin sa sasakyan niya? Ayun ba yung? Aish! >.<

"Sorry nasaktan kita tapos kinladkad pa kita. Sorry dun.."

What?!? Ayun ying pinag sosorry niya?

"Ayos lang." Dry kong sagot.

Sabay na kaming naglakad papuntang school. Pagkadating namin, nakasalubong namin si Lorraine. Ngumiti naman ito samin. Siguro ay unti unti na siyang nagmomove on kaya hindi na siya nasasaktan pag nakikita niya si Gab. Sana nga.

"Hello Sab! Hello Gab! ^____^" masiglang bati ni Lorraine.

"Hi Lorraine! Tuloy tayo mamaya?" Pagtatanong ko. Magagala kasi kami mamaya. Para naman mabawasan ang mga hinanakit ko. Buti na lang may natitira pa akong kaibigan.

"San kayo pupunta?" Sasama kaya tong lalaking to? Kung makapagtanong eh.

"Magagala kami mamaya. Friday naman eh. Sama ka?" Sinusubukan ko kung papalag ba si Lorraine pero mukhang hindi. Okay na talaga siguro siya.

"Para naman malibang kahit konti si Sab. Andami na kasing kumakalat na issues sakanya. You're free to join us!" Masiglang sabi nito.

Napaisip si Gab.

"Hmm. Ayoko. Next time nalang siguro."

"Ahh ganun ba sige." Ngumiti ulit si Lorraine sakanya. "Pahiram na si Sab ah, see you around."

"Sige."

---

"Sab san ka mag cocollege?"

Lunch time namin. Nandito kami sa canteen ni Lorraine. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Nikki. Nag aalala din ako para sakanya. Pero galit pa din siya sakin.

"Sa State University. Mas makakatipid kasi ang parents ko." Tugon ko.

Tumango naman si Lorraine at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Ikaw?"

"Not yet planned. :)"

"Ohh.."

"Sab excited nako mag college!! Kaso may isang taon pa eh. Konting tiis nalang! (-0-)/"

Buti pa si Lorraine. Masaya. Nakakangiti. Nakakatawa. Samantalang ako, isang pekeng ngiti lang ang natatanggap niya sakin.

---

"Tara na Sab excited nako!! (^O^)/"

Hinatak nako ni Lorraine papuntang sasakyan nila. May driver din pala siya. Haaay. May naaalala tuloy ako pag nakakakita ako driver. What a rich kid.

"Sab!!"

"AY TINAPA!" Nagulat ako ng sigawan ako ni Lorraine.

"Let's go! Kanina ka pa nakatulala diyan!"

Kanina pa? Haaay tama na nga sa kaiisip Sab!

Pumunta na kaming mall. Sa kasamaang palad, sa festival. Ganun din ang pangyayaring naganap samin ngayon. Hindi lang kami nanuod ng sine at sa KFC kami kumain. Nung nakita ko yung catcher na may lamang Elmo, nagbalik lahat. Siguro kailangan ko ng kalimutan si Migs. Na friendzoned ako. Kung ang turing ko sakanya ay mahalagang tao siya saakin, siguro, kasinungalingan lang niya ang pagpapakilala niya sakin sa parents niya. Isa lang akong kaibigan para sakanya. Kupido, bakit naman dumaplis yung pagpana mo sakanya?

Haynako. Past is past.

"Lorraine. Tara, tambay tayo sa labas." Sa labas kasi ng festi, may mga benches dun. Pwede ka tumambay.

Pumayag na din naman si Lorraine at tutal malapit lang ang benches sa Seattle's best eh nagkape na din kami saka umupo.

"Sab.."

"Hmm?" Sabi ko habang hinihigop ko yung mainit kong kape.

"Sino na bang crush mo ngayon? Diba ang sabi mo dati si Migs? Uhm, not to hurt you, diba nagbalikan na yata sila nung ex niya?"

"Kung sasabihin ko ba ang totoo, hindi ka masasaktan?" Paninigurado ko.

"Syempre hindi. Why would I? Nasa stage pa ko ng moving on. :)"

Huminga ako ng malalim.

"Si Gab kasi," Pag aalangan ko. Lord, kayo na po bahala sa magiging reaction niya. >.< "Lorraine alam mo, feeling ko, mahal ko na ata siya.."

Ayan na. Wala na. Nasabi ko na.

Medyo nag alangan pa siya aa magiging reaction niya.

"Pano kung matulad ka lang sakin? Na niloko niya?" Nabigla ako sa sinabi niya. Wag naman sana. Pero di naman kami ah! Nako, TH (tamang hinala) agad to si Lorraine.

"Ano ka ba! Di naman siguro magiging kami! HAHAHA! Pero ayos lang siguro. HAHAHA!" Okay na ba sagot ko?

"Kunsabagay. Pero bilang friend mo, ayokong matulad ka sakin. Advice lang.."

May point naman si Lorraine. Ano ka ba Sab?! Bat mo na ba iniisip yang mga ganyan? Eh hindi ka pa nga niya nililigawan eh! Shunga?

Naubos na yung kape namin.

"Gusto ko pang magkape." Suhestiyon ni Lorraine. Miski ako din naman.

"Ehehe, ako nga din eh."

"Tara bili ulit tayo."

"Sige.."

Tumayo na kami ni Lorraine sa bench. Nakaka tatlong hakbang pa lang kami ay may humila saming lalaki mula sa likod. Mga nakatakip sila ng mukha. FVCK?!? Hindi ko gusto to!!

"H-hoy! Sino kayo?!?! San niyo kami dadalhin?!? TULON--- HMM! HMMM!"

Nakita ko si Lorraine sa tapat ko. Tinakpan nila ang mukha namin ng panyo hanggang sa mawalan na kami ng malay.

Stupid CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon