Chapter 21
Nagising ako sa isang pagyugyog at pagtawag ng pangalan ko.
"Sab. Sabrina. Gising.."
"Mmmm...." Napamulat ako, naaninagan ko si Joseph. Nag init ang dugo ko.
"ANONG GI--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. Tinuro niya ang likod kung saan natutulog si Lorraine at nagkukunwaring duguan.
Tinanggal ako ni Joseph sa pagkakatali at binuhat pababa.
"Uhh, kaya kong maglakad." Pilit kong sabi.
"Sige." Binaba niya ko sa sahig. Inintay niya kong makatayo. Hindi ko pala kaya.
"Joke lang."
"Sabi ko naman sayo eh.." Sinakay niya ko sa sasakyan niya. Siya yung nagdrive. May lisensya na ba siya?
"Sab. Sorry."
"Pero bakit Joseph? Bakit mo tinanggap lahat ng pinaplano niya?"
"Binantaan niya din ako. I'm sorry Sab. Sabi niya lalo niyang dadagdagan ang pagpapahirap sayo. I'm sorry kung naging mahina ako.."
Naiintindihan ko naman si Joseph. Kung ako din eh matatakot sa banta ni Lorraine. May kakayahan siyang siraan ang gusto niyang siraan. Marami siyang kadikit.
"Alam ko na lahat Joseph.."
"Sorry. Sorry talaga. Ako nadin humihingi ng sorry para sa pinsan ko. Sab, sana mapatawad mo siya. Sa picture niyo din ni Jastin. I'm sorry. Kung wala daw kasi akong mapapakita sakanya nun, ikakalat niyang buntis ka.."
"Hayop siya.."
"I'm s-sorry..."
"Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon. A-ahhh," kumirot yung mga sugat ko sa braso. Ang dami ko palang galos at pasa.
"Magpahinga ka na." Pagkasabi niya nun, nag blush siya at umiwas ng tingin. Bumaba ako ng tingin at nakita kong punit pala ang bandang kwelyo ng damit ko. Nakita niya yata yung bra ko.
"Sorry." Tinakpan ko nalang ng braso ko.
"Eto.." Tinanggal niya ang checkered polo niya at binigay sakin.
"Salamat."
Tuluyan nakong pumikit at nagpahinga. Ikaw nang bahala sakin Joseph.
---
Nagising ako sa isang maliwanag at puro puti na lugar. Langit na ba to? God, wag muna oh. Di ko pa nararanasan ang mahalin eh. Joke. =______=
Nasa ospital pala ako. Puro bandage yung katawan ko. Wow parang the mummy lang? Hindi naman. Sa bandang braso lang naman.
"Gising ka na pala.." Sumulpot sa tabi si Joseph. Nag sigh lang ako. Andaming nangyari.
"Naka admit din dito si Lorraine. Dinala siya ni Gab." Siguro nga eh hindi na ko naabutan ni Gab kasi naunahan na siya ni Joseph.
"Sana malaman nila kung ano ang totoo... Ang lahat lahat.."
"Malalaman din nila Sab. Lorraine just failed on her plan."
"Ano pa bang dapat kasunod dun?"
Nag shrug lang si Joseph.
"Baka ipa kick-out ka sa school."
Ipa kick out?
Tama.
Dapat siyang i kick-out.
*TOKTOK*
Nagkatinginan kami ni Joseph at tumango nalang ako. Binuksan niya ang pinto at agad naman bumungad ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...