Part 1: Surya

612 19 1
                                    

Part 1: Surya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 1: Surya

"LAOLA EMPIRE ARC"

ENCHONG POV

Ilang oras din naming nilakad ang pababa ng bundok kaya naman halos wala pa kami halos pahinga, ang bawat sandali ay mahalaga kaya kinailangan naming bumaba agad sa lalo't madaling panahon. "Hay sobrang nakakapagod na, bakit hindi na lang kasi buksan ang portal o kaya lumipad pababa diba? Bakit kailangan nating pahirapan ang ating mga sarili? Bona ba?" ang hirit ni Oven na may kasamang reklamo.

"Hindi maaari, baka maramdaman ni Hakal ang ating kapangyarihan at salakayin nila tayo agad, mas mainam na yung ganito na tahimik lang at patago ang kilos," ang sagot ko naman.

Noong makababa kami ng bundok at makapasok sa tarangkahan ng isang payak na bayan ay tila na pahinto ang lahat noong makita kami. Gayon pa man ay pinilit namin kumilos ng normal at huwag iparamdam sa kanila na kami ay kakaiba at galing sa ibang panahon.

Lumakad kami ng simple at tahimik pero talagang ang sentro ng atensyon ay sa amin. "Ano ba, bakit nakatingin sila? Gandang ganda ba sila sa akin? Ako lang naman ito, hindi ko akalaing mabenta pala talaga ang beauty ko sa ancient time na ito," ang wika ni Oven habang lumalakad kami sa bungad ng bayan. Halos nakatingin sa amin ang lahat dahil kakaiba talaga ang aming mga suot.

"Baka nagtataka sila dahil nakakita sila ng unggoy na lumalakad at nagsasalita sa kanilang harapan," ang sagot ni Rael dahilan para matawa kami.

"Ang harsh mo talaga papa Rael, napaka mean mo!" ang pagmamaktol ni Oven.

Natawa na lang kami. "Malamang kaya tayo pinagtitinginan ay dahil sa kasuotan natin diba? Masyado itong kakaiba at wala pang ganitong desenyo sa panahong ito," ang wika ko naman.

"Ay ganon? Akala ko naman literal na nagagandahan lang sila sa akin," ang makulit na wika hirit ni Oven.

"Akala nila ay may isang bakulaw na nagsasalita kaya nakatingin sila sa iyo," ang pang aasar ulit ni Rael.

"Nakakainis ka na talaga papa Rael, bakit lagi na lang ako yung kinekemberlin mo," ang pagmamaktol ni Oven.

Tawanan ulit kami.

Masyadong payak ang paligid, napakasimple ng buhay dito. Ang mga tao ay abala sa pagtitinda at pakikipagkalakalan ng mga produkto. Ang mga suot ng mga tao ay mga animo japanese kimono na mga earth color. Ang iba sa kanila ay mga retasong tela ang gamit na balabal sa katawan. Ang style ng mga bahay dito ay mga dampa lamang na kapag hinangin o tamaan ng malakas na ulan ay parang masisira na.

Abala ang mga tao sa kanilang mga gawain noong mga sandaling iyon. Ang iba ay may sunong na pinatuyong kahoy na panggatong, ang iba ay may dala kulungan na may isda. At ang karamihan ay may sunong na buslong may mga gulay at prutas. Nakakatuwang isipan na ang lahat ng bagay dito ay simple lamang, hindi katulad future na karamihan ay talagang komplikado na.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon