Part 6: Luntian

228 13 5
                                    

Part 6: Luntian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 6: Luntian

ENCHONG POV

"Rise and shine! Kokooroo koook!!" ang hirit ni Oven na nagpagising sa amin, kasabay niyang tumilaok yung manok doon sa kabilang bakod. Maya maya ay kumanta pa ito, "Near far wherever you are!! I believe that the heart does go on. Once more, you open the door "

"Hon, pwede patahimikin mo yang kaibigan mong baliw, ang aga aga tumitilaok, inaagawan niya ng trabaho yung mga manok at tandang doon sa kabilang bakod," ang reklamo ni Rael sabay dapa. "Tangina, ang tigas ng higaan na to!" ang reklamo pa nito.

Babangon na sana ako pero bumangon si Edisol at dumungaw sa bintana, "hala, kung makatilaok naman tito," ang hirit nito.

Humarap sa kanya si Oven, "dapat ikaw ang tumitilaok dito dahil guest ka lang naman noh, saka huwag mo nga akong tawaging tito dahil hamak young and fresh ko sa iyo. Di hamak na mas young ako kaysa sa young pork tocino na tinda ni aling Tasing! Magsanay kang tumilaok at baka matuwa sa iyo ang diyos ng mga manok at gawing kang regular dito pero that's impossible you know!" ang makulit na sagot ni Oven.

Nagsimula ang bagong araw namin dito sa past. Patahimik kaming naghahanda para sa pagpunta sa emperyo ng Laola. Sa tingin ko ay walang ideya sa Hakal na nandito rin kami sa panahon ito. Ang akala niya ay nabura kaming lahat doon sa hinaharap at ang tagumpay niya ay tuloy tuloy na.

"Teka nasaan sina Rouen at Chaim?" tanong ko habang naghahanda ng pagkain.

"Umakyat sila sa bundok tito, para kumuha ng mga pinatuyong mga kahoy at sanga ng puno na panggatong. Naubos na kasi yung mga kinuha natin noong nakaraang araw," ang wika ni Tob habang abala sa pagluluto kasama si Edisol.

"Nasaan din yung iba?" tanong ko pa.

"Sina Tito Oven at Surya at nagtungo naman doon sa kabilang bundok para.. you know," ang sagot ni Tob.

"Ahh oo, sige magpaparingas na ko ng apoy doon sa bato," ang tugon ko naman, ang ibig sabihin ni Tob sa salitang "you know" ay nagtungo sina Oven at Surya doon sa lihim na base upang bisitahin ang mga bagay doon sa laboratoryong naiwan ni Rung.

Abala ang lahat sa paggawa.

"Yung mga heneral ni Hakal, saan nagmula ang kanilang mga lakas?" tanong ko kay Edisol.

Napakibit balikat si Edisol, "hmmm, hindi ko alam e. PERO ayon sa mga matatandang ninuno namin ay marami daw talagang mga bumababang "anghel" noon sa kalangitan para makipag niig sa mga babae ng iba't ibang tribu. Ang malalakas na kapangyarihan ay nagmula sa mga bisita mula sa kalangitan at naipamana daw ito sa mga taong naninirahan sa iba't ibang sulok ng daigdig. Marahil iyon ang sinasabing "pinagmulan" ng kanilang mga lakas at kapangyarihan," ang tugon ni Edisol.

Kung sabagay ay talagang may punto siya doon. Sa dami nga naman ng iba't ibang uri ng mga bisita o anghel na bumaba mula sa kalangitan ay hindi malayong maraming malalakas na nilalang ang sumibol bilang kanilang mga anak o tagapagmana.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon