Magbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Part 9: Heneral Baek
ENCHONG POV
Tuloy ang magulong labanan sa kailaliman ng gabi, halos hindi nauubos ang mga Renocos na umaatake sa amin. Ang iba sa kanila ay naglalabas pa ng mga bola ng enerhiya sa buong paligid dahilan para mawasak lalo ang maliit na berdeng harang na ginawa ni Tob kung saan kami nagkukubli.
"Hellpp! Tinatangay ako ng tatlong boylet na Reconos!" ang sigaw ni Oven, noong mapatingala ako ay nakita ko na itong nililipad sa itaas. Pinilit kong asintahin ang mga kalaban ngunit masyado itong malilikot.
"Ninong!!" ang sigaw ni Rouen, nagtatakbo ito at naging mga paniki ang katawan ngunit hindi pa siya nakakalapit ay pinagkaguluhan na si Oven ng mga Renocos.
Habang pinagkakaguluhan siya sa ere ay biglang sumabog ang lahat. Sumabog ang pink na enerhiya sa buong paligid na parang bombang gumapang sa mga kalaban, lahat ay nasabugan pati ang ibang lumilipad sa itaas.
Tumilapon ang katawan ni Oven sa dampa at doon siya nasubsob. "Pinasabog ulit ni Ninong ang sarili niya!" ang wika ni Rouen.
Natawa na lang ako, "hindi ka na nasanay dyan sa ninong mong baliw," ang tugon ko sabay punta kay Oven. "Ayos ka lang ba?"
"Oo naman, akala nila maiisahan nila ako," ang sagot nito pero puro kalmot ang kanyang katawan at nagkapunit punit ang kanyang damit. "Mayroon lang makati sa likod ko," ang wika nito sabay pakita sa akin ng kanyang likuran.
"Eh kasi may naka kalmot pang kamay ng Renocos, baon na baon yung kuko nito sa balat mo," ang wika ko naman sabay alis sa putol na kamay.
"Mga shutaa sila! Akala nila ay maiisahan nila ako!" ang wika ni Oven sabay tingala, "bakit ganon parang hindi nauubos ang kalaban? Ang dami ko ng napasabog ah?"
"Hindi mauubos ang kalaban hanggang hindi namamatay ang heneral," ang sagot ko naman agad akong lumabas para tumulong sa aking mga kasamahan. Muli ako nagpakawala ng mga gintong palaso na gumuhit sa ere.
Dito ay nakita ko sa Chaim na nakaupo lang sa isang lumulutang na bato at nagbabasa ng libro, mayroong maliit na flash light sa kanyang tainga pang tanglaw sa mga letra. Ang cute niyang pagmasdan, parang isang gwapong korean o japanese anime na walang paki sa mundo. Lahat ng lumalapit sa kanya ay nasusunog kahit hindi niya tinitingnan.
"Wow, sana all relax lang no? Iba talaga ang produktong Lucario at Suyon," ang wika ni Oven na hindi maiwasang humanga sa binata.
"Sabi ko naman sa inyo, malakas ang batang iyan kaya huwag tayo mag expect na may katatakutan siya," ang wika ko naman.
"Ang dapat niyang katakutan ay ang inerf siya noh, yang mga over power na ganyan ay may katapat na nerf!" ang hirit nito.