Part 3: Huling Sulyap

255 15 2
                                    

Part 3: Huling Sulyap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 3: Huling Sulyap

THIRD PERSON POV

Sa pagpapatuloy ng salaysay ni Surya tungkol sa kaniyang nakaraan, dito ay mas malinaw niyang ipinaliwanag ang naging hidwaan sa pagitan nilang dalawa ng dating kaibigan..

"Seryoso ang pag uusap namin ni Rung noong mga sandaling iyon, parehong nakahubad ang aming katawan at galing pa lamang namin sa mainit na pagtatalik. Kapwa kami maligaya ngunit may kakaibang lungkot at pangamba kaming nararamdaman.

"Nakita mo ba kung paano gamitin si Hakal ang kapangyarihan niya kanina?" tanong ko sa kanya.

"Oo, at nagulat rin ako na ang enerhiyang iyong ginamit niya upang makalutang sa ere. Ewan ngunit parang nagkamali ako sa paggawa ng isang bagay na may kinalaman sa negatibong enerhiya. Hindi ko akalain na napakaraming negatibong bagay dito sa mundo at halos dominating na ito. Kaya mas lalakas pa si Hakal sa oras na maabot niya ang kasukdulang lebel," ang paliwanag ni Rung.

"Masyado na akong naiwan ni Hakal, at tiyak na mas magiging makapangyarihan pa siya sa mga panahong darating," ang tugon ko naman na may halong pangamba.

"Iyan rin ang nasa isip ko ngayon. Halika mayroon akong ipapakita sa iyo," ang wika niya, kapwa kami nagbihis at dito ay naglakad kami sa paanan ng kabundukan. Dito ay ipinakita niya sa akin ang isang sikretong base. "Ito ang aking laboratoryo, halika pumasok ka," ang pag imbita niya, nakita kong pinindot niya ang buton na hugis bato at tumiklop ang pintuan. Ang laboratoryo ay isang high tech na pasilidad at dito niya ginawa ang mga bagay bagay na may kinalaman sa buhay. May mga bagong desenyo ng mga hayop, mga isda, mga halimaw at kung ano ano pa.

"Tingnan mo ito, Surya," ang wika niya sabay pakita sa akin ng isang uri ng desenyo ng dalawang bagay. Ang isa ay hugis tao, ang isa naman ay parang kahon. "Ito ay isang makapangyarihang sisidlan. Maaari mo dito iimbak ang mga bagay na nais mo at tatagal ito ng libong taon sa loob. Ang hugis tao ay ang Tangkask at ang kahon naman ay tinatawag na Cardin. Sa ngayon ay disenyo pa lang ito, kinakailangan din ng malakas na enerhiya upang magamit ito ng maayos," ang paliwanag niya sa akin.

Ako naman ay namangha lamang sa aking nakikita. "Surya, kung sakaling maging abnormal ang lakas ni Hakal at hindi na siya mapigilan ay maaari mong gamitin ang tangkask at cardin para ikulong siya pero sa ngayon ay matagal na panahon pa ang gugulin para mawaga mo ito," ang wika niya sa akin.

"Kung sakaling sumama ba ko sa iyo ay mahahanap tayo ni Hakal? Maaari bang tumakas na lang tayo sa kanya?" tanong ko naman.

"Pwede naman, iyan nga rin ang suhestiyon ko, kung talagang gusto mo akong makasama," ang nakangiti niyang sagot sabay halik sa akin.

Sa paglipas ng mga araw ay itinuro sa akin ni Rung ang lahat ng pasikot sikot sa kanyang pasilidad, nanaliti itong sikreto namin. Ang kanyang positibong pagmamahal ang nagpapataas sa aking enerhiya bagamat hindi pa ito sapat para patayan si Hakal. Gayon pa man ay masaya kaming dalawa at habang tumatagal ay mas lalo pang lumalim ang aming pagsasama.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon