5th General Victor
******
Part 27: Bigong Kaligayahan
RAEL POV
Ang ginawa sa akin ni Victor ay isang pambababoy, bagamat hindi ito totoo ay hindi ko pa rin ito mapapatawad! Ngayon ay napagtanto ko na, batay sa bagong anyo niya na isang paru-paro ay tiyak na may kinalaman ito sa pagkalason ng aking isipan. "Kaya naman pala sa tuwing may makikita kong paru-paro doon sa mundo ng bangungot na iyon ay nawawala sa control ang aking sarili, ito marahil ang mahika ni Victor, at noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na ito ang lason! Ang bell naman na naririnig ko sa aking tainga ay ang hudyat na tumalab na ito sa aking katawan!" ang wika ko habang nakapako ang tanaw kay Victor na noon ay nakasuot ng isang kalasag.
"Tama ka doon, Rael at kung pagmamasdan mo ay literal na paru-paro ang kanyang anyo," ang bulong ni Surya sa akin.
"Kahit ano pang itsura ng hayop na iyan ay dudurugin ko siya!" ang asar kong sagot habang pinapalagutok ang aking buto.
"Ngunit, kailangan pa rin natin mag ingat dahil isa pa rin siya sa heneral ni Hakal, tiyak na ginawaran niya ito ng malakas na kapangyarihan," ang wika ni Surya sabay harap kay Victor, "ikaw ang lumikha ng islang ito tama? Ang islang ito ay punong puno ng ilusyon, kung ano ang nasa isipan ay kanyang ibinibigay at ginagawang katotohanan, iyon nga lang ay kabaligtaran ang mangyayari. Katulad ko, nangarap akong makapiling ang isang espesyal na kaibigan, ngunit isang bangungot ang nangyari. Hindi kita mapapatawad sa iyong paglalaro sa aking emosyon!" ang dagdag pa ni Surya.
"Emosyon? Huwag mo nga akong patawanin, kung ano man ang naganap sa iyo ay kasalanan mo iyon dahil naging mahina ka sa pagkilala sa kung ano ang katotohanan at kasinungalingan! Ikaw ang nagpalaya kay Rael mula sa aking espesyal na selyo, kaya ikaw ang uunahin kong tapusin!" ang singhal ni Victor kay Surya. "Winasak mo ang aking mga plano! Lapastangan kaaaa!"
Mula sa paligid ni Victor ay lumabas ang mga enerhiyang hugis tinik at lahat ng iyon ay lumipad sa aming direksyon. Sa unang pagtama pa lang nito sa lupa ay malalakas na pagsabog agad ang nangyari, ito ay mga bomba na hugis tinik lamang! Sa dami nito ay wala kaming nagawa kundi ang umiwas at makiramdam sa mga maaaring mangyari.
"Bakit kayo tumatakbo? Nabigla ba kayo?" tanong ni Victor.
"Natural na tatakbo at iiwas kami, bomba iyon e, anong gusto mong gawin namin? Saluhin ito at yakapin? Ugok! Kapag nakalapit ako sa iyo ay buburahin kita sa mundo, gago!" ang singhal ko sa kanya.
"Subukan mong lumapit, iyon ay kung kaya mo!" ang sagot ni Victor at muli na namang bumagsak sa amin ang napakarami tinik bomba.
Yumayanig sa buong paligid. At iba ay sinalo ni Surya at naging mga alikabok ito na may iba't ibang kulay na humahalo sa hangin. Nakalimutan ko na ang may kakayahan siyang ireject ang mga negatibong atake at gawin itong positibo. Ito ang ginawa niya para mabawasan ang mga malalakas na pag ulan ng enerhiyang mula kay Victor.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARC
FantasíaMagbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc