Part 29: Salita ng Kaligayahan
ENCHONG POV
"Touch down! Akala ko talaga di na tayo makakarating dito sa pampang," ang wika ni Oven noong makababa kami sa agul. Mula sa pagtakas sa mga amosonista ay napadpad kami sa isang isla.
"Ano naman kaya ang mayroon sa islang ito?" tanong ko naman habang bumaba. Maayos naman ang buong paligid, maraming puno, kulay puti ang buhangin at marami maaaring silungan.
"Kahit ano pang nandito, basta huwag assorted na kepyas ng mga amasona hano! Tangna nila, ipinakita pa nila sa akin yung iba't ibang uri at itsura ng mga ekup nila! Nakaka kilabot talaga! Sana puro lalaking gwapo naman sa isla na ito para makabawi man lang!" ang sagot ni Oven sa amin.
"Eh hindi mo lang naman nakita diba? Isinubsob pa sa iyo yung isa!" ang pang aasar ko naman.
"Arwk!! Hindi ko na kaya, ayokong isipin iyon dahil nasusuka ako baka itakwil ko na ang sarili ko. Tiyak na iyon ang pinakamalalang bangungot na nangyari sa akin! Mas malala pa sa pagkamatay ko sa kamay ni Egidio. May kekiphobia na yata ako," ang pag iyak ni Oven.
"Anong kekiphobia?" tanong ko naman
"Edi phobia sa kepyas! Nakakatakot, nakakakilabot! Yun talaga ang papatay sa akin!" ang pag iyak pa nito na may halong pagsusuka na parang nalason. "Nakakatakot yung mga itsura ng ekups, mabuhok at mamasa masa pa! Hindi ko na talaga kaya! Hindi naaaa!" ang dagdag pa nito at parang naloloka lokang nagtatakbo kung saan.
Maya maya ay napatingin siya sa puno ng buko kung saan may nakaakyat na kung ano. "Bakit may unggoy doon sa puno ng buko?" tanong nito sabay takbo patungo sa puno para makita ito ng malapitan.
"Bakit kamukha ni Edisol yung unggoy?" tanong pa Oven.
"Si Edisol po talaga iyan tito Oven," ang magalang na wika ni Chaim.
"Si Edisol nga, siguro ay dito rin sila napadpad ni Lao noong nasira ang agul!" ang wika ko at kahit paano ay nabawasan ang pag aalala ko.
Agad naman kaming nakita ni Edisol at lumundag ito sa itaas ng puno hawak ang mga buko. "My Gewd si Edisol nga, my pet!" ang hirit ni Oven.
Noong makita kami nito ay agad siyang bumaba hawak ang mga buko. Tila ba natuwa ito at nabuhayan ng loob! "Mga kasama, mabuti naman at ligtas kayo! Noong masira ang agul ay dito na kami napadpad ni Lao," ang masayang wika ni Edisol sabay yakap sa amin.
"Teka nasaan si Lao, siguro kinain mo hano?" tanong ni Oven. Si Lao yung kaibigan niyang nagpapatakbo ng agul. Tiyak pagbabayarin kami non dahil nasira ang kabuhayan niya.
"Hindi ah, ako pa nga nagligtas sa kanya, basta ang alam ko lang noong nalulunod na kaming dalawa ay nagliwanag aking katawan at nakakilos ako ng mabilis," ang paliwanag ni Edisol.
"Iyan na yung powers ng renocos! Lumalabas ito kapag nalalagay sa panganib ang buhay mo. Bagay na bagay naman talaga sayo yang ganyang powers," ang hirit ni Oven.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARC
FantastikMagbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc