Part 19: Anghel

211 15 2
                                    

TOB

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TOB

*****

Part 19: Anghel

TOB POV

Napuruhan ang aking katawan sa paghagupit ng sibat ni Heneral Somsak na tumama sa aking dibdib pa baba sa aking tiyan. Ginawa ko ang lahat para pigilan siyang makalapit sa akin ngunit ang ilalim ng tubig ay ang kanyang teritoryo. Sumambulat ang maraming dugo sa aking sa aking nakatawan at panandalian akong napapikit. Dito ay nagbalik sa aking ala-ala ang eksenang pag aaway nina papa Leo at papa Ibarra dahil sa akin.

FLASH BACK

"Matigas kasi ang ulo ni Tob, kailan pa niya magagamit ang kapangyarihan na namana niya sa akin kung ang pinag aaralan niya ang sa iyo? Ibarra, hindi naman engkanto si Tob, dapat ay pinilit mo siyang gamitin ang tunay na kanya," ang singhal ni papa Leo, narinig ko silang nag uusap sa silid.

"Leo, huwag ka nga mag selos, malaki na si Tob at alam na niya ang kanyang ginagawa. Gusto lamang niyang matuto ng ibang kakahayan, katulad ni Rouen na namana ang kakayahang mang gamot ni Enchong at ang lakas ng kamao ni Rael. Wala naman dapat ipag alala dahil hindi naman sasabak sa labanan ng mag isa si Tob," ang sagot ni papa Ibarra.

Ngayon ko lang sila nakitang nag away dahil sa akin kaya naman pumagitna na ako, "pa, tama na. Gusto ko lang naman magkaroon ng kapangyarihan na galing sa inyong dalawa kasi pareho ko kayong tatay, pareho ko kayong magulang. Gusto ko na kahit saan ako makarating ay dala ko yung mga itinuro niyo sa akin, walang lamangan, walang mas matimbang. Bakit kailangan niyo mag away? Kung kailan ako nagbinata saka kayo nagkainitan sa pagtuturo sa akin. Pareho kong mina-master ang mga itinuro niyo sa akin at balang araw ay mapa-proud kayo sa akin, pangako po iyan!" ang sagot ko naman sabay yakap sa kanilang dalawa.

END OF FLASHBACK

Habang nasa ganoong pagbabalik tanaw ako ay isang boses ang tila tumawag sa akin, "TOB!"

Agad nagbalik ang diwa sa aking ulirat at noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ang aking sarili nalumulubog pa rin sa tubig at dito ay nakita kong aatake na naman si Somsak sa akin. "Ito na ang kamatayan mo bata!" ang sigaw nito at nagliwanag ang kanyang sibat na muli sanang ihahataw sa aking harapan.

Nagliwanag ang aking kamay at pinasabog ang aking sarili. Sa lakas ng pwersa nito ay naitulak siya palayo at naitulak rin ang aking katawan paakyat sa ibabaw ng tubig. Ikinumpas ko rin ang kamay at muling umangat ang mga korales na nagsilbing aking tapakan upang hindi lumubog.

Duguan ang aking katawan at labis akong napuruhan. Inalis ko ang aking damit at nakita ko ang malalang pinsala ng aking katawan. Isang malalim na sugat paibaba ang aking natamo. Habang nasa ganoong posisyon ako ay muling umangat ang heneral sa ibabaw ng tubig.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon