Part 14: Perpektong Istratehiya

180 11 1
                                    

Part 14: Perpektong Istratehiya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 14: Perpektong Istratehiya

ENCHONG POV

"Sige naman na, pwede mo naman agahan ang pagpunta sa Laola," ang wika ni Edisol habang pinipilit ang kaibigang si Lao na may ari ng Agul. Pagdating namin dito sa bayan ng Koral ay siya talaga agad ang aming hinanap.

"Sa isang linggo pa talaga ang punta ko sa Laola, bakit ba nag aapura kayo? Pwede naman kayong dumito muna, magpahinga at magbakasyon. Maraming bakanteng dampa diyan na maaaring niyo tirhan ng libre," ang sagot ni Lao sabay titig kay Edisol, "bakit parang nag iba yata ang itsura ng mata mo?"

"Ah e, naiirita lang ito sa matinding araw. Alam mo lahat sila ay mayroon trabaho sa Laola at sa susunod na raw na sila magsisimula, at ako rin ay kailangan na bumalik doon. Ganito na lang marami akong naipong ginto at mga alahas dito. Sa iyo na lang lahat ito tutal ay wala naman akong pag gagamitan, sa dami nito ay maaari ka na bumili ng mas malaki at magandang agul," ang wika ni Edisol sabay abot ng isang sakong alahas at ginto kay Lao.

Ang mga alahas at ginto na nakalagay sa sako ay talaga hinahanap namin doon sa bayan. Ito yung mga naiwang alahas ng mga tao doon matapos limasin ng Renocos. Alam ni Edisol na ito lang ang tanging paraan upang mapapayag ang kaibigan para maglayag sa karagatan. Kahit pala sa panahong ito ay uso na rin ang mga ganitong tao na kailangan pagkalooban ng malaking pabuya bago gumawa.

Kinuha ni Lao ang sako ng ginto at mga alahas at natawa ito, "may ganito naman pala pare bakit hindi mo agad sa akin sinabi? Sige bukas ng maagang maaga ay aalis tayo, ihahanda ko lang ang agul," ang wika nito habang nakangiti.

"Ayos, dumito muna tayo ng isang gabi, may mga bakanteng dampa doon na maaari nating pagpahingahan," ang tugon ni Edisol at siya mismo ang nag-assist sa bawat isa sa amin.

Maganda ang isa ng Isla Koral, para itong isang paraiso, ang karagatan ay fresh na fresh at ang buhangin ay puting puti. Hindi masyadong mainit at mas nananaig ang malamig na hangin. Ang dampa ay maliit lamang kaya naman hiwa hiwalay kami ng tinutuluyan. Para itong maliit na kubong cottage sa future times. Magkasama kami ni Rael dito, sa kabila naman ay sina Oven, Tob at Surya. Syempre alam ko naman na bubukod si Rouen at Chaim, natural na gawain ng magkasintahan o mag MU o whatever.

"Bakit hinayaan mong bumukod si Chaim at Rouen? Baka maya maya ay makabuntis yung anak natin," ang wika ko kay Rael habang nakahiga kami sa loob ng dampa.

"Hayaan mo nga silang dalawa, malaki na yung anak natin na yon at mas makapal pa ang bulbol non sa atin. Wala tayong control sa gagawin niya dahil ang mga blood sucker na umabot sa edad na hindi na tumatanda ay may sarili ng buhay. Hindi makakabuntis iyon dahil wala namang asul na buwan at wala siya sa Kailun. Sa Kailun lamang mahiwaga ang asul na buwan at literal itong kulay asul na nagbibigay ng kakaibang init sa katawan ng mga blood sucker. Wala kang dapat ipag-alala," ang wika ni Rael sa akin.

Yumakap ako sa kanya, "minsan ay kakausapin mo naman yung anak mo na huwag basta basta gagawa ng ganoong bagay."

"Bahala ng mamroblema yung mga magulang nila sa future, ang anak natin dito ay si Rouen na baby na hindi ko na alam kung nasaan," ang wika ni Rael.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon