Part 21: Talim ng Kamatayan

180 12 1
                                    

4th GENERAL PRAEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4th GENERAL PRAEW

******

Part 21: Talim ng Kamatayan

ROUEN POV

"Alam mo ba na bihira ang nakakatagal sa aking sandata? Ikaw ang kauna unahang taong nakatagal sa ikalawang hagupit nito," ang wika ni Praew habang hawak ang kanyang malaking armas na hugis bilog. "Bakit hindi natin lagyan ng kaunting saya ang labanang ito?" tanong niya at dito ay nagliwanag ang kanyang armas at mas lumaki pa ito kaysa kanina.

Naghanda ako, pilit kong iniisip kung paano ito ico-counter. "Humanda ka na!!" ang malakas niyang sigaw at muli itong bumuwelo saka buong lakas na pinakawalan ang kanyang armas sa aking direksyon.

Habang umiikot ito sa ere ay laking gulat ko noong maging dalawa ito at mabilis na umatake sa akin. Kumilos na ako at muling tumakbo habang nag iisip ng paraan! Ang mga armas ay gumugulong sa lupa habang nakasunod sa direksyon kung saan ako nagtutungo at lumiliko!

Noong tumalon ako sa ere ay tumalon rin ang mga ito. Agad kong dinukot sa aking bulsa ang capsule na dala ni Tob at piniga nito. Dito ay lumabas ang aking espada at ito mismo ang ginamit ko para sanggahin ang mga mapaminsalang armas ng kalaban. Noong tumama ng mga ito sa talim ng aking espada ay nag spark ang mga ito ngunit tuloy pa rin sa pag ikot.

Ilang beses kong sinangga ang mga ito hanggang sa maputol ang aking espada at wala akong nagawa kundi ang magtatakbo muli sa kakahuyan at gamitin ang mga malalaking puno para makaiwas at makapagtago. Halos kalbo na ang lahat, putol na rin ang mga malalaking puno na maaaring kong pagtaguan. Masyadong nagdudulot ng malaking pinsala ang sandata ni Praew!

Dahil wala na akong pamimilian ay inipon ko ang enerhiya sa aking kamao at noong malapit na sa akin ang mga ito ay buong lakas kong sinuntok! Ang enerhiyang nakapalibot sa aking kamao ang naging proteksyon ko para hindi ako mapinsala ng husto!

Patuloy sumagupa sa akin ng dalawang patalim sa ere kaya naman naghanda ako ng husto sa aking gagawing taktika na delikado at maaari akong mapinsala sa isang pagkakamali.

Sa isang suntok na malakas ay tumilapon ang sandata ni Praew, halos sumabog ang hangin sa ere dahil sa lakas ng impact na nagawa ng aking kamao! At isa pang malakas na suntok ay tumilapon rin ang isa pa sa ibang direksyon. Tumama ito sa lupa at hindi na bumalik pa sa kamay ng heneral.

Bumagsak din ko sa lupa, hingal na hingal at halos hinahabol ko ang aking paghinga. Dito ay nakita kong tumutulo ang dugo sa aking kamao dahil sa malalaking hiwa na aking natamo sa pag suntok ng mano-mano dito! Gayon pa man ay napigilan ko ang kanyang sandata sa pag atake sa akin.

Agad ko ring pinaghilom ang aking napinsalang kamao dahilan para tumigil ang labis na pagdurugo nito.

Natawa ang kalaban, "hmmm, mahusay. Ikaw pa lamang ang kauna-unahang taong nakapigil sa aking armas na iyon. Hindi nga nakapagtataka na matatalo niyo agad si Baek ng ganoon kadali," ang wika nito.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon