WANTED: Kung sino man po ang nakakakilala sa username na ito, siya po hinahanap na ng NBI dahil sa sumusunod na case, CYBERBULLYING, HARASSMENT, PAGBNANAKAW NG AKDA. Alam namin na gagawa ito ulit new account kaya pinayuhan ako na EVERY COMMENT at account na gagamitin niya iprint screen para mas maraming ebidensiya mas mabigat ang case na kakaharapin niya. Nanawagan din po ako sa lahat ng BXB writer na binully at hinarass ng isang ito.
Remember: Hindi siya ang unang nakasuhan ko, yung mga admin ng page na nagnakaw ng gawa ko last 2019 ay nahuli namin at napagmulta namin. Paano ba ang process ng panghuhuli? Once na malaman ang pangalan ng taong ito ay idudulog agad namin sa barangay nila para magawan ng report at dito magsisimula ang case. Very easy!
******
Part 8: Renocos, mga anak ng dilim
THIRD PERSON POV
"Mayroon pa tayong apat oras para maghanda," ang wika ni Chaim habang nakatanaw sa kalangitan.
Iba na rin ang simoy ng hangin, amoy panganib na ito. Malayo layo rin ng bayan sa kinatitirikan ng aming dampa, masaya pa ang mga tao doon at wala silang ideya sa mga bagay na maaaring maganap mamaya lamang.
Hindi mapakali si Surya noong mga sandaling iyon, "pupunta ako sa bayan upang bigyang babala ang mga tao," ang wika nito.
"Pero delikado, dito ka lang," ang pagpigil ni Enchong sa kanya.
"Enchong, mayroon pa tayong apat na oras para gawin ang pagbibigay ng babala sa mga taong bayan, hindi pa huli ang lahat," ang wika ni Surya, at bigla nagtatakbo ng mabilis patungo sa bayan upang magbigay ng babala.
Napabuntong hininga si Rouen at Tob, "susunod kami kay Surya," ang wika ng dalawa at hinabol nila ito. Mabibilis naman silang kumilos kaya't ang pagtungo sa bayan ay mabilis lamang rin.
"Tsk! Matitigas ang ulo! Alam naman ni Surya na siya ang target ng kalaban!" ang wika ni Rael samantalang si Edisol naman ay gulong gulo na.
"Ano bang nangyayari? Bakit bigla na lamang kayong naging ganyan? Totoo bang sasalakayin tayo ng mga halimaw? Paano niyo ito nalaman?" tanong ni Edisol na hindi maitago ang matinding pagkalito.
Napabuntong hininga si Oven at tumabi ito kay Edisol, "my dear, huwag ka sana magpapanic ha, at huwag kang matatakot o mabibigla sa sasabihin ko," ang wika nito.
"Ano ba iyon?" tanong ni Edisol.
"Ngayong gabi ay sasalakayin tayo ng mga taong paniki at uubusin nila ang buong bayan katulad ng ginawa nila sa ibang karatig lugar! Mamamatay na tayong lahat, pati ikaw ay matetegi na rin! All of us are dead!!" ang pagpapanic ni Oven dahil para katukan siya ni Rael.
"Loko, di ba kakasabi mo lang na huwag mabibigla at huwag matatakot pero ikaw tong takot takot at napaka nega," ang wika nito.
"Aray, na carried away lang ako. Kaya ikaw Edisol dyan ka lang sa ilalim ng lamesa upang hindi ka makemberlu. Kapag may umatake sa iyo gamitin mo iyang espada ng katarungan okay?" ang dagdag ni Oven.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARC
FantasiaMagbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc