Part 10: Puno ng Lagim

209 14 11
                                    

Part 10: Puno ng Lagim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 10: Puno ng Lagim

THIRD PERSON POV

Sa bawat pagkumpas ng nagliliwanag na kamay ni Chaim ay nababaklas at nawawasak ang mga makakapal na kalasag ni higanteng kalaban. Ang mga pakpak nito ay nagkabali bali at unti unting nalalagas.

Gulat na gulat ang lahat lalo na si Baek na hindi matantiya kung hanggang saan ang lakas ng binata. Unti unting nayupi ang katawan ng higante kaya naman walang nagawa ang heneral na si Baek kundi ang paghiwa-hiwalayin muli ang katawan ng mga Renocos.

Mula sa katawan ng higante ay naglabas at nagliparan sa ere ang mga maliliit na bersyon nito hanggang sa tuluyang mawala ang higanteng halimaw sa paningin ng lahat. Gumuhit pa rin ang galit sa dibdib ni Baek, ngayon lamang siya napahiya ng ganito sa buong buhay niya kaya naman mabilis siyang lumipad sa kinaroroonan ni Chaim at dinagit ito.

Mabilis kumilos si Baek, parang hangin ito kung lumipad sa ere, hawak niya sa leeg ang katawan ni Chaim kaya naman agad na nagtatakbo si Rouen, nahati sa mga paniki ang katawan nito at hinabol sina Baek at Chaim sa ere!

"Sino ka ba talaga? Anong klaseng mga nilalang kayo?!!" ang singhal ng heneral kay Chaim.

Natawa lang si Chaim, "hindi ito ang lakas na inaasahan ko mula sa heneral katulad mo, siguro ka ba na isa ka sa pitong heneral ni Hakal?" tanong ni Chaim.

"Huwag mo akong insultuhin, hangal kaaa!" ang singhal ni Baek, gigil na gigil ito, humaba ang kanyang kuko na parang matatalim na bakal at inatake si Chaim sa ere.

"Bitawan mo siya!!" ang sigaw ni Rouen sumulpot ito sa harapan ni Baek at isang malakas na suntok ang iginawad niya dito dahil para mabitiwan niya sa Chaim. Gayon pa man ay hindi naman bumulusok sa ibaba ang binatang si Chaim dahil literal na nakakalipad ito katulad ng kanyang mga magulang. Samantalang nakakatagal sa ere si Rouen kapag ang kalahati ng kanyang katawan ay nakapormang mga paniki ngunit inaaral pa niya ito.

"Nasaktan ka ba?" tanong ni Rouen dito.

"Hindi, huwag ka nga OA, alam mong hindi ako masisindak sa ganon lang," ang sagot ni Chaim.

Natawa si Rouen, "normal lang na mag alala ako, huwag ka na ngang masyadong matigas dyan," ang sagot niya habang nasa ere pa rin.

Nakatingala ang lahat at pinagmamasdan ng dalawa sa pag uusap. Dito ay hindi na naiwasan pang magduda at magtanong ni Edisol. "Anong klase mga tao ba kayo? Bakit nakakalipad sina Chaim at Rouen?"

"Edisol, my dear, hindi pa ba obvious? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang lahat? Huwag kang mag-alala dahil ipapaliwanag namin sa iyo ang lahat ng detalye mamaya para hindi ka na maloka loka ever!" ang sagot ni Oven sa kanya.

Nasa ganoong posisyon ang lahat noong manatili si Baek sa ere. Dito ay sinusuri niyang mabuti ang sitwasyon. Malakas siya ngunit ang lumaban sa pitong taong may malalakas at pambihirang talento ay napaka imposibleng manalo. Gayon pa man ay may kakayahan pa rin siyang bumuo ng isang hukbo ng paulit ulit!

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon