Magbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Part 20: Chunje
ROUEN POV
Noong magkamalay ako ay natagpuan ko ang aking sarili nakasubsob sa pampang ng karagatan. Sumasalpok sa aking mukha ang malamig na tubig na siyang nagbalik sa aking ulirat.
Wala akong ibang matandaan sa mga pangyayari, basta ang alam ko lang ay iniligtas ko si papa Enchong doon sa portal na animo bitag sa kanyang paanan at pagkatapos ay ako ang nakuha at nahulog doon. Wala akong ideya kung anong lugar ito basta ang alam ko lang ay malayo ako sa aking mga panalig.
Tahimik.
Pilit kong ibinangon ang aking katawan at habang nasa ganoong posisyon ako ay nagliparan ang mga ibong sa mga puno at kasabay nito ang pagsulpot ng mga nagtatakbuhang lalaki at babae sa aking direksyon, lahat sila ay tila may kinatatakutan at tinatakasang kung ano. Noong makatapat sila sa akin ay tinulungan nila ako tumayo at sinigawan ako ng "TAKBOOO!"
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakitakbo na rin ako. Medyo nahihilo pa ako ngunit maayos ko namang nababalanse ang aking katawan.
Patuloy kami sa pagtakbo, marami kami halos nasa 30 katao. Kanya kanya kami ng direksyon na pinuntuhan bagamat hindi ko maunawaan kung bakit kami tumatakbo ng ganito.
Makalipas ang ilang minuto ay nagtago kami, uminom ng tubig sa dagat ng aking mga kasama at maya maya ay pumasok kami sa isang madilim na kweba at nagtago sa batuhan. "Ano bang nangyayari?" tanong ko na hindi maiwasan ang malito.
"Shhh, huwag kang maingay! Maririnig nila tayo!" ang bulong ng isa.
"Sinong sila?" tanong ko naman.
"Ang mga mayayamang "Lecre", mayroon silang mga espesyal na sandatang maaaring ipang patay sa atin," ang wika ng isang habang nakasiksik sa batuhan.
Maya maya ay mga dumaang mga grupo ng mga taong nakasuot ng magarbong mga damit, sakay ng kabayong may mga sungay na animo hybrid na hayop, hawak nila ang mga kakaibang uri sa sandata, may gintong pana, mga sibat na gawa sa pilak at kung saan saan pa.
Walang ingay ang lahat at hinayaan naming mga lagpas ang mga ito sa madilim na kweba. "Ano ba iyon? Anong lugar ba ito? Anong nangyayari?" ang nalilitong kong tanong.
"Talaga bang wala kang alam?" tanong nila.
"Inanod lang ako sa pampang at napadpad ako sa lugar na ito. Bakit kayo tumatakbo at tumatakas? Bakit kayo takot na takot?" tanong ko naman.
"Dahil papatayin nila kami. Tayong lahat dito ay nasa isang malaking laro ng kamatayan. Ang islang ito ay tinatawag na "Isla ng Chunje", ito ay dinarayo ng mayayamang mga tao upang maglaro at maging Lecre.
Ang salitang Lecre ay "mangangaso" nagtutungo sila dito para maglibang at pumatay ng tao. At TAYO ang mga papatayin nila.
Kaming lahat dito ay mga palaboy at mga simple tao lang na dinukot ng mga tagla islang ito upang maging katuwaan, upang patayin sa kanilang mga libangan. Hahabulin at tutugisin tayo ng mga lecre hanggang sa tayo ay mamatay na para mga usa o kuneho sa kagubatan.