Part 22: Mortusra

198 14 1
                                    

ROUEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ROUEN

*****

Part 22: Mortusra

ROUEN POV

Ang mga buhangin na kung tawagin ay mortusra ay bumubuo naman ng mga bomba at literal na granadang sumabog ng sunod sunod sa aking katawan. Ang aming katawan ni papa Rael ay may mataas na depensa kaya't hindi agad kami nababalian ng buto o nawawasak ang aming katawan kahit pa ihampas kami sa mga matitigas na pader o kahit balibagan pa kami ng isang buong kometa. Ito ang masasabi kong advantage namin sa ibang mandirigma.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay perpekto ang aming mga depensa dahil may mga oras na malakas ang sandata ng kalaban. Katulad na lamang ng mga bomba at granada na gamit ni Heneral Praew ngayon, ang bawat isang bomba ay may physical penetration kaya't sa unang pagsabog pa lang nito ay ramdam ko na ang sakit at pagkabinat ng aking laman.

Sa kada galaw na aking ginagawa ay nagtuloy tuloy ang pagsabog ng mga bomba at halos napurohan na nito ang aking likuran, harapan, dibdib, braso at mga hita. Walang humpay na pagsabog, halos nawasak na ang aking matibay na depensa, kalamnan at ramdam kong tumatagos ito sa aking mga buto.

Paulit ulit akong nasabugan hanggang sa sumambulat ang dugo sa aking katawan. Tinangka kong tumakas o kaya ay umalis ngunit dahil sa dami ng mga bomba sa aking paligid ay sumasabog ito kada galaw ko kaya't sa huli ay wala rin akong nagawa.

Patuloy ang pagsabog hanggang sa hindi na halos makayanan ng aking katawan, napahulod na lang ako habang naliligo sa aking sarili dugo. Mula sa pagkakaluhod ay ilang pagsabog pa ang naganap bago ako bumulagta sa lupa.

Tumigil ang pagsabog..

Nanghina ang aking katawan habang nakatanaw ako sa kalangitan na noon ay maaliwalas. Dito ay nagbalik sa aking isipan ang mga araw na nag eensayo ako at si papa Rael mismo ang nagsanay sa akin.

FLASH BACK

"Iniipon ang pwersa sa kamao saka mo ibabagsak sa bagay na gusto mong atakihin, subukan mo," ang utos ni papa Rael kaya naman nagliwanag ang aking kamao at sinuntok ko ang isang malaking bato dahilan mag crack ito pero hindi nasira.

Teen ager pa lang ako noon, payat pa at nagbibinata. Medyo istrikto si papa Rael pagdating sa pagsasanay sa akin dahil balang araw ay ako ang mauupo bilang hari ng blood sucker kingdom. "Ulitin mo ang pagsuntok! Kung magiging mahina ka ay paano mo masisindak ang mga pasaway na blood sucker? Tiyak na hindi ka nila susundin kung alam nilang mas malakas sila sa iyo," ang dagdag ni Papa at maya maya ay siya na ang sumuntok sa lupa at laking gulat ko noong ito ay magiba, yumanig din at halos mawasak ang buong paligid.

"Ganyan ang tamang pag gamit ng pwersa. Kailangan mong patatagin ito at ito pa!" ang wika niya sabay hawak sa aking braso at kamao.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon