Magbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Part 26: Ang Heneral ng Pagnanasa
THIRD PERSON POV
Agad na inialis ni Surya si Rael sa loob ng cocoon, halos putla na ito at walang dumadaloy na dugo sa kanyang katawan. Kaya naman ginawa ni Surya ang makakaya upang ibalik ang ulirat ni Rael. Wala siyang abilidad para manggamot at paghilumin ang kanilang mga sugat, ngunit may kaunti naman siyang kaalaman para maibalik ang diwa ng isang tao, at ito ay ginamit niya upang isalba ang kapanalig.
"Rael, Rael! Gising!" ang wika ni Surya habang nagliliwanag ang kanyang kamay. Unti unting bumalik ang kulay nito na ang ibig sabihin ay muling dumaloy ang dugo sa kanyang katawan. Kanina lamang ay daig pa nito ang parang pininturahan ng puting kulay dahil sa pamumutla, tuyot na rin halos ang kanyang katawan.
Makalipas ang ilang minuto ay naging stable ang lagay ni Rael, ginawa ni Surya ang kanyang makakaya upang masuportahan ang katawan nito kahit na hindi siya ganoon ka eksperto sa panggagamot.
Wala pa rin itong malay, kaya minabuti ni Surya na ihiga muna at hayaang magpahinga. Ang lugar na ito ay hindi ordinaryo, ito ay isla ng ilusyon at kasinungalingan. Kung sinuman ang lumikha nito ay may matinding sira sa ulo! Isinalin ni Surya ang kanyang kaunti lakas kay Rael upang mabuhay lang ng katawan nito. Dahil kanina ay tumitibok ang kanyang puso ngunit ang kanyang utak at buong katawan ay halos wala na. Para siyang unti unting pinapatay sa loob ng cocoon.
Makalipas ang ilang oras ay unti unting bumalik ang malay ni Rael, agad siyang inalalayan ni Surya at pinainom ito ng tubig, "Rael, kumusta ka na? Anong nangyari?" tanong nito sa kanya.
Tila nanlalabo pa ang mata ni Rael, blurd si Surya sa kanyang paningin. Ilang beses niyang ipinikit ang kanyang mga mata bago ito umayos. "Anong nangyari?" ang tanong nito.
"Ako nga dapat magtanong niyan, anong nangyari sa iyo? Bakit nakakulong ka dito sa isang malaking cocoon? Alam mo ba na puso na lang ang tumitibok sa iyo at nasa bingit ka na ng kamatayan? Sinong gumawa sa iyo nito?" tanong ni Surya.
Natahimik si Rael at napaisip. Dito ay pilit niyang binalikan ng kanyang mga naranasan. Isa isa niyang hinimay ang mga pangyayari sa kanyang isipan. "Ang naalala ko lang ay hinigop tayo ng isang portal sa ilalim ng karagatan tapos ay gumamit ka ng nagliliwanag na pisi at hinila ko pabalik ngunit dahil malakas ang pwersa ay hinila tayo nito at hinigop.
"Habang nahuhulog tayo sa portal bigla kang nahiwalay ng direksyon sa akin. At nahulog ako sa ibang sulok nito. Pagbagsak ko dito ay nawalan ako ng malay at noong bumalik ang aking ulirat at natagpuan ko ang aking sarili na ginagamot ng isang lalaki," ang wika ni Rael.
"Isang lalaki? Sino?" tanong ni Surya.
Pinilit pang alalahanin ni Rael ang lahat, "ang lalaking ito ay si Victor, ang isa sa mga tauhan ni Hakal," ang tugon ni Rael.
"Tapos? Ano ang nangyari? Ang ibig sabihin ay siya ang may gawa kung bakit ka nakabalot dito sa cocoon?" tanong ni Surya.
Napaisip si Rael, "basta ang alam ko lang ay nagkaroon ng pagtatalo sa aming dalawa," ang wika niya at dito ay binalikan niya ang eksaktong pangyayari, ito ang TOTOONG kaganapan noong bumagsak siya sa portal.