AI TENSHI AS DYOSA NG KAGANDAHANG BLOOD SUCKER! LALAMBUTIN AT KATIGAS TIGAS. LOL! CHAR!
May copy na ba kayo? Hanggang dito sa update umabot itong mukha ko ha. Mag pre-order na kayo. May libre kiss sa kada page!
******
Part 15: Magulong Landas
THIRD PERSON POV
Noong mga oras na iyon ay walang kamalay malay ang grupo ni Rael, Enchong at Surya na nakaplano na rin ang pag ambush sa kanila. Ang mga mata ng kalaban ay nakamasid sa karagatan at ang paghiwa-hiwalayin sila ay isang malaking tiyansa para manalo.
Noong mga sandaling iyon ay alam na ng mga heneral ang kapasidad ng mga ito kung susugod silang isa isa ay magtutulungan lang ang mga kalaban at matutulad lamang sila sa kabiguan ni Heneral Baek na pinagtulung-tulungan at pinaglaruan lamang ng mga kalaban. Ngayon ay pipilitin nilang ibahin ang stratehiya bagamat maraming beses na itong naranasan nila Enchong. Ang paghiwa-hiwalayin at iambush.
Ang kaibahan lang ay may ITB sila noon na inaasahan para magkaroon ng back up. Ngayon ay wala ng ganoon kaya't kinakailangan nilang manalo at magkaroon ng matatag na kalooban sa labanan.
Ginamit ni Tob ang kanyang kapangyarihan para itulak ang agul na noon ay maluluhog sa isang malaking butas sa karagatan. Sa pagligtas niya sa mga kasamahan ay siya mismo ang nahulog dito at kinuha ng portal.
Samantalang sa pagpapatuloy ng kalamidad sa karagatan, isinalba naman ni Rouen ang kanyang ama mula sa isang ambush scene, itinulak niya ito at siya ang nahuli para higupin ng isa pang portal.
Nagpatuloy ang pangyayari, sinalpok ng isang malakas na alon ang agul dahilan para tuluyang mawasak ito. Si Rael ay hinila ng isang portal sa ilalim ng karagatan, sinubukan siyang iligtas ni Surya ngunit sa lakas ng pwersa ay hindi kinaya at pareho silang hinigop sa loob nito. Bago mahulog ng tuluyan ay pumalupot sa braso ni Rael ang pisi ni Surya para kung sakaling magkahiwalay sila ay madali niya itong mapupuntahan.
Ang naiwan na lamang sa ibabaw ng karagatan ay sina Enchong, Oven at Chaim, silang tatlo ay kumapit sa isang malaking kahoy na lumulutang bago salpukin ng malakas na alon. Samantalang sina Edisol at Lau ay tinangay naman sa ibang direksyon patungo sa Laola Empire.
Ang lahat ay naging madilim para sa kanila, literal na nagkahiwa hiwalay sila ng landas at walang kapag sabi kung saan sila dinala ng mga portal kung saan sila nahulog. Patuloy ang pagsalpok ng malakas na alon hanggang sa balutin ng kadiliman ang paningin ng bawat isa.
Samantala, sa Palasyo ni Hakal ay agad na iniulat sa kanya ng mga kawal ang naturang kaganapan. "Panginoon, matagumpay po ang mga heneral na paghiwa-hiwalayin ng landas ang mga kalaban. Ngayon po ay hindi na nila magagawang tulungan ang isa't isa," ang wika ni kawal.
Tumango si Hakal, "magaling, sa palagay ko ay magtatagumpay ang ating mga heneral, hindi ako nagkamali ng pagpili sa kanilang lahat. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang kanilang tagumpay dahil malaki ang paniniwala ko sa kanilang mga abilidad at kakayahan. Hindi nila ako bibiguin dahil alam nila na hindi ko gusto ang binibigo," ang wika ni Hakal habang nakaupo sa kanyang trono.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARC
FantasyMagbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc