Magbabalik sina Enchong, Rael at Oven sa nakaraan upang harapin ang kalabang si Hakal na nasa Emperyo ng Laola. Ito ang kasunod na arko ng MGXMBS: Ruins of Gods Arc
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Part 23: The 4th General Praew
THIRD PERSON POV
Nag iibayong galit ang namuo sa buong pagkatao ni Heneral Praew, sa mga taong nagdaan sa kanyang buhay ay wala ni isa ang makatalo at makasugat sa kanyang katawan! Hindi niya inakala na sasapit ang araw na may darating na mandirigma na yuyurak at magpapahiya sa kanya ng sobra. Isang mandirigma na hindi niya alam kung saan nagmula, walang kamatayan at lalong kapaguran. Iyon ay si Rouen ang prinsipe ng mga blood sucker.
Ginamit ni Rouen ang bloos assassination technique at ngayon ay hindi na ito mapigilan. Gayon pa man ay may lakas pa rin si Praew para gumamit ng isang malakas na sandatang kanyon. Isang beses niya ito pinasabog sa direksyon ng kanyang kalaban dahilan para lumipad at tumilapon sa itaas ang katawan ni Rouen, sa lakas ng pagsabog ay nagkagutay gutay ito habang nasa ere!
Nasa ganoong posisyon siya noong mag balik sa kanyang isipan ang mga ala-ala niya noong siya nagsisimula pa lamang.
Si Praew ay ipinanganak sa isang simple bayan. Tahimik at payapa ang kanilang pamumuhay hanggang sa itake sila ng mga bandido. Winasak ng mga ito ang kanilang pamumuhay, pinatay ng mga ito ang mga tao doon kabilang na ang pamilya ni Praew.
Nagpalaboy laboy ang bata at dumaan siya sa maraming paghihirap, sa gutom, pagod, matinding init at matinding lamig. Sa murang edad ay kinupkop siya ng mga bandido at ginawang taga linis ng mga sandata, taga punas ng mga ito, taga alis ng mga dugo at mantsa. Dito umikot ang kanyang buhay hanggang sa magbinata siya at maging parte o miyembro ng mga bandido.
Sumabak siya sa mga labanan at naipanalo niya ito hanggang dumami ang kanilang mga miyembro. Sa paglipas ng panahon ay naging pinuno siya ng mga bandido, sa taglay niyang lakas ng katawan at husay sa paggamit ng sandata ay wala ni isa ang makatalo sa kanya.
Naniniwala si Praew sa kanyang sarili at sa isang ilusyon na siya ay napakalakas na, kaya naman nagdesisyon silang salakayin ang isang masaganang lupain sa Hilaga na pinamumunuan ni Saengdao.
Si Saengdao ay nagtataglay ng napakaganda at maamong mukha, ang akala nila mahina lamang ito ngunit wala silang kamalay malay nagtataglay ito ng napakalakas na kapangyarihan! Nagsagupaan si Praew at Saengdao hanggang sa nagapi si Praew at nag agaw buhay. Sa kanilang paglalaban ay nahulog sa bangin ang kanyang katawan at inanood sa malakas na agos ng ilog. Pinatay lahat ni Saengdao ang mga kasamahang niya bandido at siya lamang ang natirang humihinga. Ngunit ang pinakamalupit na kaganapan sa lahat ay ang kanyang pag aagaw buhay.
Putol ang kanyang dalawang braso at puro saksak na patalim ang kanyang katawan. Ang ala-alang ay isang malalang bangungot na paulit ulit niyang naiisip. Ang akala niya ay patay na siya habang palutang lutang sa ilog. Isinuko na nya ang lahat dahil imposible na siyang mabuhay.
Hanggang sa maramdaman niyang may kumuha sa kanyang katawan at wala na siyang natandaan pa.
Pagkagising niya ay maayos na ang kanyang katawan, buo na ang kanyang braso at wala na siyang pinsala. Ang nagligtas sa kanya ay walang iba kundi si Hakal. Pinagkalooban siya nito ng malakas na sandatang pandigma at pinalakas ang kanyang katawan.