Maingay ang buong kwarto ni Jane, nagda drum kasi siya habang sinasabayan ang tugtog ng isang musika. She finds joy in doing it, para sa kanya, ito ang personal at safe place niya.
Pero nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at niluwa nito ang mama niya. Immediately she stopped drumming at tumingin dito, the loud music still playing as a background.
Another argument will surely happen.
Halata kasi sa mukha ng mama ni Jane na galit ito habang naglalakad papunta sa speaker nito para patayin ito. Pero ganun pa din, naririnig pa din ito ng mama niya.
"Jane! turn this off now!" galit na sigaw nito sa kanya.
She rolled her eyes at hindi ito sinunod, instead, she asked, "what do you want ba?"
"turn it off." utos ulit nito sa kanya, hindi na sumisigaw pero rinig pa din ang inis sa boses nito.
Ginawa nalang ni Jane ang utos ng mama niya sabay lapag ng stick sa lalagyan nito.
"ano ba kasi yun?" inis na ding tanong niya.
"I told you a hundred times already na itigil mo na yang pag ga-ganyan mo, papasok ka na sa school bukas, hindi mo kailangan ng destructions." sabi nito sa kanya that made her chuckle.
"so? it's not like I have low grades." sagot niya dito.
"STILL! itapon na natin tu!" biglang sigaw ulit ng mama niya sabay hampas sa drums niya.
Her mom is really mad now, and so is she.
"no! kung ikaw ma ayaw mong naaalala si papa, bahala ka! pero ako, ito yung tanging bagay na nagpapasaya sakin! ito yung bagay na nagpapaalala na kasama ko pa din si papa! kaya wag mo akong idadamay sa paglimot mo sa kanya!" sigaw niya dito, sinampal naman siya ng mama niya.
"this is my room, ako ang magde desisyon kung anong gagawin dito. lumabas ka na." sabi niya sa mama niya.
Hindi siya umiyak, hindi siya kumibo sa sakit ng sampal nito. Nasasanay na siya sa ganitong sistema.
Lagi nalang kasing ganito. Simula ng mamatay ang papa niya, papasok ang mama niya sa kwarto niya para patigilin siya sa pagda drums. Nung una, sinusunod niya ang mama niya, baka kasi mas lalo lang nitong nami miss ang namatay niyang asawa..gusto niyang kausapin ang mama niya, e-comfort ito, iparamdam na pamilya pa din sila at magkasama kahit nawala na ang papa niya. Pero habang tumatagal, nagbabago ang mama niya. Lagi siya nitong sinisigawan, pinagbabawalan sa lahat, lumabas, mag drums, kahit anong music bawal na.
Naiintindihan niyang nasasaktan mama niya pero siya din nasasaktan. Simula nung nawala ang papa niya, parang pati mama niya nawala na din sa kanya.
Ngayon, isang tao nalang ang meron siya, si Joshua na best friend niya. Pero iniwan niya din dahil umalis na sila sa dati nilang bahay, lahat ng bagay, lugar at tao na nagpapaalala sa papa niya, unti-unti ng nawawala sa kanya.
So she does not think she is to be blamed sa ugali niya ngayon towards her mom.
Tinignan niyang umalis ang mama niya sabay sara sa pinto ng pagkalakas-lakas.
Ni-lock niya ito at humiga sa kama niya sabay hinga ng malalim.
"pa, sana andito ka." sabi niya habang nakatingin sa kisame niya.
+++++
NOTE: BIBISITA NA SI REGINA SA BAHAY NI NARDA OYYY!!

YOU ARE READING
What Binds Us
FanfictionWherein Janella needs one last member for their music and band club to be accepted as an official club while Jane is seriously planning to rebel against her mom.