13

763 42 22
                                    

"Jea, salamat nga pala kanina ha?" Jane said as they're both heading pabalik sa campus.

"it's fine Jane, we all have our days like that." sabi nito sa kanya.

"and don't worry, I won't say about what I heard kahit kanino." dagdag pa nito.

Jane feels thankful, bukod kasi sa napapagaan ni Janella loob niya ay alam nito kung ano yung nararamdaman niya.

"thank you Jea." sabi niya dito.

Ayaw niya na din sabihin kay Joshua yung nangyari, alam niya din kasing mag-aalala 'yun.

Parang kapatid na turingan nila ni Joshua to the point na everytime may sagutan sila ng mom niya, una agad nakakaalam si Joshua, at ito na mismo sumusundo sa kanya para gumala sila to unwind.

She's thankful kasi somehow, she's found a new friend.

Yung mga sinabi ni Janella sa kanya kanina, she wishes those words were really true. She wishes na hindi talaga siya nito iiwan.

"---tayo Jane?" napalingon naman siya kay Janella nung narinig niyang binanggit nito name niya.

"huh? sorry Jea. ano, may iniisip lang."

Kahit nagda drive ay tinignan pa din siya saglit nito bago nagsalita, "it's okay Jane. but I asked if baka gusto mo mag coffee muna tayo? or kung anong magpapagaan ng loob mo." sabi nito sa kanya that made her automatically smile.

"comfort food ko is kwekwek, hanap ka ng kwekwek stall..kain tayo." nakangiting sabi niya dito.

Napataas naman ang kilay ni Janella sa kanya pero sinunod naman siya nito.

Paikot-ikot na sila halos sa buong lugar ng finally may nakitang nagtitinda ng iba't-ibang street foods na tusok-tusok si Janella.

Pinarada niya ang kotse niya sabay tinignan siya ni Janella.

"this will be my treat, okay?" sabi nito sa kanya na para bang isa siyang bata na ipapasyal ng mommy niya.

mommy. natawa naman si Jane bago tumango dito.

Bumaba na sila at pumunta sa kung nasan yung kwekwek.

Kanya-kanya silang tusok at kuha ng sauce sabay ibibigay dapat ni Jane yung kinuha niya para kay Janella, pero the latter is also doing the same.

Pareho silang natawa ng makita ang ginawa nila.

"salamat Jea."

"thank you Jane."

Sabay din nilang sabi at tinanggap na ang bigay ng isa't-isa all the while still smiling at each other.

They then started eating at halos maubos na nila yung kwekwek na tinda ni manong bago sila nabusog.

Binayaran na ni Janella kinain nila sabay bumalik na sila sa sasakyan.

"busog na busog ako." sabi ni Jane na hinahawakan pa ang tiyan.

"me too, I feel like I ate everything." sagot naman ni Janella.

"parang ganun na nga, mukhang mas madami kang nakain kaysa sa'kin eh." natatawang sabi ni Jane na nagpatawa din kay Janella.

"nung isang araw pa din kasi akong nagki crave ng kwekwek eh, then you said it's your comfort food, so it's kind of a win-win for the both of us." paliwanag nito sa kanya na nag-umpisa na ding magmaneho ulit.

"oh? sa susunod na mag crave ka, sabihan moko, ipagluluto kita ng kwekwek." sabi ni Jane kay Janella.

"talaga? marunong ka?" tanong nito at tinignan siya saglit.

"yes, basic lang naman.. mantika lang talaga kalaban ko, parang nakikipagsapalaran ako everytime nagluluto but I can surely make a few para sa'yo..basta ba sabihan mo lang ako." sabi naman ni Jane sa kanya.

"okay, sabi mo yan ha? for all you know in the middle of the night I'll make katok sa unit mo to ask for kwekwek." natatawang sabi ni Janella sa kanya.

It made her smile. Kung alam lang niyang gustong-gusto pala nito 'yung kwekwek edi sana naging kwekwek nalang siya.

wait what? whjdhdekdjkajdh

"I'll cook anytime you want it Jea." sabi niya nalang dito.

+++++

NOTE: please, ilang araw na akong nagki crave ng kwekwek 😂

anyways, good morning everyone 😊

What Binds UsWhere stories live. Discover now