2

1.5K 63 1
                                    

Suot ang black loose t-shirt na may design ng isang banda at comfortable baggy jeans lumabas na siya sa kwarto niya bitbit ang bag niya, susi at cellphone. Nang makababa na siya sa hagdanan, nakita niyang wala ng tao sa bahay kaya napailing siya.

"ano pa nga ba." sabi niya sa sarili.

Lumabas na siya ng bahay at lumapit sa motor niya, sumakay na siya dito matapos niyang isuot ang helmet niya at pinaandar na ito.

Automatic namang bubukas ang gate nila kapag na sense ng sensor nila ang sasakyan at motor nila kaya hindi na niya kailangan pang buksan ang gate para makalabas.

Habang nagmamaneho siya, naisip niya kung ano kaya ang possibleng mangyari sa first day of school niya ngayon. Ito kasi ang unang beses na first day of school na wala ang papa niya. Dati kasi, hinahatid pa siya nito na parang bata. Tapos ngayon, College na siya at mag-isa.

Matapos niya huminga ng malalim ay huminto muna siya sa gitna ng highway dahil nakita niyang nag red sign na ang traffic light.

Napatingin naman siya sa sasakyan sa left side niya. Napansin niya ang isang babaeng nakaupo sa passenger seat na natutulog.

She wonders, ganun din ba kaya siya kaganda kung tulog? She chuckled at her own thoughts sabay drive na ulit.

She just praised someone's beauty unknowingly.

"gutom lang 'to." sabi niya sa sarili.

----

Pagka park niya ay bumaba na siya sabay tanggal ng helmet niya. Sa locker na niya ito ilalagay dahil wala naman siyang lalagyan nito.

Bitbit ang bag at helmet niya ay pumasok na siya sa loob ng school, alam na naman niya kung ano ang locker number niya at kung saan ang rooms niya pati na ang cafeteria, nilibot na kasi niya 'to the first time na pumunta siya dito to enroll.

Engineering ang kinuha niyang course dahil na din gusto niya ito kahit na ang gusto ng mama niya ay maging Architect siya. Suportado naman siya ng papa niya kahit dati pa kaya mas sinunod niya ang gusto niyang kunin, kailangan niya lang maging DL this semester para makuha ang approval ng mama niya. Kung hindi kasi siya magiging DL ay kailangan niyang sundin ang gusto ng mama niyang maging Architect siya.

Naalala naman niya ang katabing sasakyan na nag park sa tabi niya kanina, bumaba mula dun yung magandang babae na tulog kanina. Mukhang nagmamadali pa nga kasi nagtatatakbo, hindi pa naman siguro oras ng klase kaya bakit nagmamadali yung babae? Hindi niya din alam. Pero curious siya, that's for sure.

Binuksan na niya ang locker niya at nilagay ang helmet pagkatapos ay sinara ito at nagpunta sa direksyon ng cafeteria. She know she's seriously hungry. Kanina pa kasi niya iniisip yung babae sa sasakyan eh.

What Binds UsWhere stories live. Discover now