Pagkatapos nila kumain ay hinatid na siya ni Joshua sa dorm niya.
"sunduin mo ako bukas, exactly 7 a.m, gets?" sabi niya kay Joshua.
"opo boss, pero tawagan moko, baka late ako magising." sabi nito sa kanya.
"oy, nasa College tayo wala sa grade school.. gumising ka mag-isa mo, isang beses mo nga lang akong susunduin eh magpapagising ka pa." sabi niya dito na tinawanan naman ni Joshua.
"d ka talaga mabiro..susunduin kita bukas, don't worry. pero libre moko ng breakfast ha?" sabi nito sa kanya.
"ako na nga nanlibre ng dinner natin, ako pa din sa breakfast.. yung totoo, are you trying to empty my pockets?" tanong niya dito.
"parang ganun na nga..sugar mommy?" biro nito.
"siraulo!" sabi niya sabay suntok sa braso ni Joshua na tumatawa lang.
"sige na, akyat ka na, tawagan kita bukas pagdating ko dito." sabi nito sa kanya habang nasa ulo niya ang kamay nito.
"sige sige. salamat, pasok nako." sabi niya dito sabay talikod.
----
Pagkapasok niya sa kwarto niya ay naghanda na siya para matulog. Habang nakahiga siya ay iniisip niya ang mga naging pangyayari.
Her mom. Magulo na talaga ang lahat simula nung nawala papa niya. Nagbago na lahat.
Joshua. That guy follows her everywhere dahil nga sa mag best friends sila and she appreciates him dahil dun. Hindi niya in'expect hanggang College ay ganun pa din si Joshua, a really good best friend indeed.
Janella. A smile right away formed on her lips. Ang ganda talaga nung babaeng yun, mukha pang mabait. She really is crushing dun sa babae, pero hanggang crush lang dapat. Hindi pa siya handang masaktan dahil sa pag-ibig na ganyan.
Kinuha niya ang phone niya at nagpatugtog ng music matapos niyang mag set ng alarm.
Matapos ang ilang minuto ay nakatulog na din siya.
+++++
Kinaumagahan, nakatingin siya sa phone niya habang hinihintay si Joshua. 5 minutes to 7 nalang pero wala pa din itong paramdam sa kanya.
"bagal talaga nun kahit kailan." bulong niya sa sarili at umupo sa couch niya.
Nagpatugtog siya sa phone niya at sinabayan niya ang kanta. Oo by Up Dharma Down ang tugtog. Matatapos nalang ang kanta ay wala pa ding text o tawag si Joshua.
Napagdesisyunan niyang hintayin nalang sa lobby si Joshua para makaalis na sila agad pagdating nito.
Pero pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Joj.
"ay putek!" sigaw niya sa gulat.
"opps, sorry Jane." sabi nito sa kanya.
"hindi ko intensyon na gulatin ka, ano kasi, napadaan ako and narinig ko kumakanta ka.. may offer sana ako sa'yo." sabi nito.
"okay lang, sorry din nagulat lang ako..anong offer?" tanong niya dito.
"sali ka sa club namin, music club siya.. please wag ka muna huminde, punta ka muna sa room namin during lunch break, sama ka samin sa music room." sabi nito sa kanya.
Aayaw pa ba siya sa offer? Hindi siya hihindi dito. Ito na yung club na hinahanap niya.
"sige, punta ako sa room niyo later after class ko." sabi niya dito.
"yun! salamat Jane. see you." sabi nito sa kanya bago umalis.
Sakto ding tumawag na si Joshua kaya sinagot niya ito at naglakad na din.
"hoy, anong oras na oh." sabi niya agad dito.
"sorry naman, hinanap ko pa kasi yung susi ko. nakalimutan kong nilagay ko pala sa jeans ko kagabi." sabi nito sa kabilang linya.
"anjan ka na sa labas?"
"yes po boss." sagot nito.
"sige, pababa na ako." sabi niya dito at sumakay na din sa elevator.
"bilisan mo, gutom na ako, ililibre mo pa ako." sabi ni Joshua sa kanya.
"late ka kaya ikaw manlilibre sakin noh." sagot niya dito.
"sige na, bye na. see you sa baba." dagdag niya pa at pinatay na ang tawag.
"mag jowa ba kayo ni Joshua?" tanong ni Joj sa kanya. Nasa iisang elevator kasi sila.
Natawa siya sa tanong nito.
"madaming nagtatanong niyan, pero nah, hindi." sagot niya dito.
"ah, para kasi kayong mag jowa eh." sabi nito at umiling siya.
"parang kapatid ko na yun, simula grade school kasama ko na yun.. ang awkward kung maging kami tsaka hindi ko din nakikita self ko na magiging jowa ko siya." natatawang sabi nito.
"bakit naman? maganda nga yun diba? childhood friends to lovers." sabi pa nito sabay ngiti ng mapang-asar.
Tumawa naman siya bago sumagot, "magsasapakan lang kami, tsaka I'm not into guys." sabi niya dito.
Tinignan naman niya ang reaksyon nito at walang bakas ng panghuhusga o pandidiri na makikita sa itsura nito.
"mas gwapo pa ako dun eh." pagbibirong dagdag niya na tinanguan ni Joj.
"agree ako jan." sabi nito ng nakangiti.
Bumukas naman ang elevator at nakita nilang magkasama sina Janella at Joshua.
"oh, magkasama pala kayo." sabi ni Jane ng makalapit na sila sa dalawa.
"nagkasalubong lang kami dito nung hinihintay kita, tagal mo eh." sagot ni Joshua.
"ikaw nga tung pinaghintay ako eh." sagot naman ni Jane dito.
"by the way, hi Jea, good morning." naka ngiting bati ni Jane.
Ngumiti din si Janella sa kanya at sumagot, "good morning din Jane."
Tumabi naman si Joj kay Janella at nagsalita, "Joshua, pwede ba kaming makisabay ni Jea sa inyo?" tanong nito.
"ha? akala ko ba kukunin mo susi mo para kotse mo pa din yung gagamitin natin papuntang school?" tanong ni Janella dito.
"hindi ko mahanap eh." sagot nito sa kanya.
"sana susi ko nalang kinuha mo, nakakahiya kina Jane noh." sabi ni Janella.
"hindi, okay lang na sumabay kayo." singit ni Joshua sa dalawa.
"oh, yan na, pwede daw. tsaka d ko din alam nasan susi mo eh.. tara na." sabi ni Joj sabay hinila si Joshua palabas ng lobby.
"lead the way Joshua." sabi pa nito.
"hinila mo na nga ako eh." natatawang sabi ni Joshua sabay naglakad na din.
Naiwan naman sila Jane at Janella sa lobby, parehong hindi alam ang sasabihin.
Not until Jane spoke first, "bilis talaga makahanap ni Joshua ng friends eh.."
"oo nga, pati din si Joj..magka vibes sila." sagot naman ni Janella sa kanya.
Napangiti siya dito, "let's go na Jea?" tanong niya.
"tara." sagot nito na naka ngiti din.
Kung pwede lang talaga mapunit ang bibig ng isang tao kaka ngiti, kanina pa punit ang mga labi nila pareho.
+++++
NOTE: how is the story so far ba? sa mga nagbabasa, any thoughts?
![](https://img.wattpad.com/cover/322297161-288-k562262.jpg)
YOU ARE READING
What Binds Us
FanficWherein Janella needs one last member for their music and band club to be accepted as an official club while Jane is seriously planning to rebel against her mom.