17

721 39 8
                                    

Abalang-abala sila sa photoshoot na ginagawa nila, papalit-palit sila ng damit representing different genres ng music. Takbo ng pabalik-balik naman ang kailangan gawin ni Joshua everytime may group shot na kukunin, siya nga kasi ang photographer/model din.

After nila sa photoshoot ay tinignan nila ang mga pictures na kuha ni Joshua.

"galing mo talaga bhe." sabi ni Joj na tinapik pa sa balikat si Joshua.

"syempre naman." sagot nito ng nakangiti.

Namili na sila ng picture na ilalagay sa posters at flyers at madali namang na edit ni Joshua yun. Dahil nagdala na din ito ng gamit ay automatically may copies na din sila ng flyers na ibibigay at ilalagay nila sa iba't-ibang lugar sa campus.

"mamili na tayo ng kanta, ito yung mga lists na ginawa ko." sabi ni Joj sabay pinakita sa kanila ang listahan at sample ng mga kanta.

Oo by UDD
Migraine by Moonstar88
Pangarap Lang by Yeng Constantino
Gravity by Against the Current
Untouched by The Veronicas
Just So You Know by Jesse McCartney
Still Into You by Paramore
'Di Na Babalik by This Band

"I say yung Migraine." sabay na sabi nila Janella at Jane.

Nagkatinginan naman sila Joshua at Joj sabay tumango.

"okay, practice natin yan after mag shoot ng individual introduction ng members natin. tapos na si Joj kanina, kinuhanan niya na din yung akin, yung sa inyo nalang tsaka group." sabi ni Joshua sabay ngiti.

"sige sige, let's do it na." sabi ni Janella.

"leggo!" nakangiting sabi ni Jane na sinundan na si Janella palabas ng room.

"those two are clueless noh?" tanong ni Joshua kay Joj.

"sobra." pagsang-ayon naman ni Joj dito ng umiiling.

Flashback

"Joj, bakit ba lagi mo akong hinihila kung saan-saan? crush mo ba ako ha?" pagbibirong tanong ni Joshua sa kanya.

"asa ka hoy!" sagot ni Joj sa kanya.

"oh eh bakit nga?" makulit na tanong ni Joshua dito.

"fine, answer my question muna bago ko sagutin yang sa'yo." naka cross arms na sabi ni Joj kay Joshua.

Kakatapos lang kasi nila mamili ng pintura at kung ano-anong ng tanong nito sa kanya.

Kaya para matapos na, itatanong nalang din niya yung nakakapagpa bother sa kanya.

"unfair naman yata yun." kamot ulong tanong ni Joshua.

"d nga, mag agree ka nalang." sabi niya dito, napailing nalang si Joshua bago tumango.

"okay, sige ito.." panimula niya.

"ikaw ba may gusto kay Jane?" tanong niya dito na naging dahilan para manlaki mata ni Joshua.

"'wag mo ako lakihan ng mata ha? sagutin mo tanong ko. yung honest ha." sabi niya dito ng may pagbabanta.

"jusko naman, chill. I'll answer na." sabi ni Joshua.

"actually, dati meron..marami naman kasing dahilan para magustuhan si Jane eh." sagot niya dito.

"oh, so dati meron, ngayon wala na?"

Ngumiti si Joshua kay Joj at tumango, "alam kong hanggang best friends lang talaga kami ni Jane. kaya I did not entertain the thought na mahulog pa ng sobra sa kanya. and I succeeded. so yeah, wala akong gusto kay Jane ngayon. bakit mo ba natanong?"

Napaisip naman si Joj bago nagtanong ulit.

"eh kay Jea, may gusto ka ba?"

Natawa si Joshua dahil dito.

"is this what I think it is Joj?" tanong nito sa kanya.

"ano?" takang tanong ni Joj.

"are you trying to set Jane and Jea up together? are you trying to be cupid?" tanong nito.

Hindi naman agad nakasagot si Joj kaya ngumiti si Joshua.

"don't worry, alam ko naman since nung binigay ni Jane notebook ni Jea na wala na agad akong chance kay Jea." sagot niya dito.

Nagtataka naman siyang tinignan ni Joj.

"I saw how Jane looked at Jea that time, sabi niya hindi daw love at first sight pero alam kong sarili niya pinapaniwala niya. Aaminin ko attracted ako kay Jea the first time pero nawala agad nung magkita silang dalawa ni Jane." sabi niya kay Joj.

"ayuko maging in between sa kung ano mang mayroon at magkakaroon sila. sa tingin ko naman gusto din ni Jea si Jane eh. tama ba ako?" tanong nito kay Joj.

Si Joj naman ngayon ang nag-iisip bago sumagot.

"she did not tell me directly, pero nung time na nakita namin si Jane sa labas ng lobby, parang naging statue si Jea. akala ko anong nangyari sa kanya yun pala nakatitig lang kay Jane." natatawang sabi nito.

"nakita ko din pano sila magtitigan dalawa and even nung pagbalik namin sa room namin ni Jea, inasar ko na siya kasi nakita ko siyang nakangiti habang hawak notebook niya. alam ko na din kasi pano sila nagkakilala nun eh." sabi nito sa kanya.

"so, yun. hindi naman out si Jea sa lahat pero alam ko naman ng hindi siya straight since she told me nga." sabi nito.

"Jane on the other hand is out kaya mas halatang bading na bading siya kay Jea eh." natatawang sabi ni Joshua.

"so ano, magiging cupid ba tayong dalawa para sa kanila?" tanong ni Joshua kay Joj.

"game ka ba dun?"

"oo naman noh. basta ba masaya si Jane eh." sabi ni Joshua at makikipag shake hands kay Joj na para bang nagse seal ng deal.

"ako din, basta ba masaya si Jea." sabi ni Joj at tinanggap ang offered hand shake ni Joshua.

"pero wag mong ipagkakalat na hindi straight si Jea ha? ako mismo kakalbo sa'yo!"

"don't worry, gets ko si Jea. promise, safe sakin ang secret na 'yan."

End of Flashback

+++++

NOTE: last ud for the day :)

What Binds UsWhere stories live. Discover now