22

665 40 19
                                    

Maaga silang umalis sa school today. If 7 p.m is maaga that is. Sinigurado kasi nila na kahit papaano ay alam na nila yung parts nila sa tugtog at ipa-polish nalang nila sa remaining days.

Estudyante pa din naman kasi sila, College at that. Aware silang mas mahirap ngayon lalo na at mas maraming demand since ilang years nalang ay sa kanila din aasa ang ibang tao.

"seryoso ka ba na ililibre mo kami ngayon Josh?" tanong ni Jane sa best friend niya matapos niyang hilahin ang upuan para makaupo si Janella.

"ilang taon na tayong mag best friend, ngayon mo lang ako tinawag na Josh.. porket ang iikli ng mga pangalan nila Joj at Jea ha." sagot ni Joshua sa kanya.

Hindi naman nakalagpas kay Joj at Joshua yung mga small gestures na ginagawa ni Jane para kay Janella, pero they chose not to say anything. Itago ang kilig kumbaga.

Janella on the other hand is another story.

The small gestures she does for me. Wala pa ngang isang buwan ito na ako, mahuhulog na. I'm not even capable of loving someone pero pag si Jane, I think I can.

"well, nasanay yata ako eh. ang iikli nga ng names.." nakangising sagot ni Jane.

"pero okay lang din naman kung Josh.. para mas comfy pag tatawagin niyo ako, ang haba nga naman ng Joshua." sagot nito.

Nasa ibang place sila ngayon, since libre nga ni Joshua ay nag suggest si Joj na sa ibang lugar naman sila kumain. Plano pa yatang ubusin yung 3k na napanalunan ni Joshua eh.

Habang tinitignan nila Joj at Joshua ang menu ay nagsalita si Janella, pareho na din kasi silang tapos um-order ni Jane.

"Jane, nanunuod ka ba ng horror movie?" tanong nito.

"of course, gustong-gusto ko kaya manuod ng horror, itong si Josh lang takot eh. bakit?" tanong pabalik ni Jane.

"wala lang, curious lang ako. few people lang kasi mahilig sa horror." nakangiting sagot ni Janella sa kanya.

"well true, ikaw ba?" tanong niya dito.

"I do watch horror movies. do you want to watch with me some other time?"

Para namang na freeze bigla utak ni Jane dahil dito.

Hindi sa nag a-assume siya pero she feels like Janella is asking her out for a movie date.

malala na ako, tangina, hulog na hulog na ba ako o ano?

She thinks as she smiles at Janella.

"sige ba."

With how they're staring at each other, Joshua and Joj can actually tell they're down bad for each other.

+++++

Natapos ang dinner nila na puro childhood memories nilang apat ang topic. Joj and Janella talking about their childhood and their growing up stages at ganun din naman sila Joshua at Jane.

Puro tawanan at asaran ang nangyari.

They did not talk about their club for tonight. It felt like ito din yung pahinga na kailangan nila.

Joj and Joshua on the other hand took notice sa bawat gestures na ginagawa nila Jane at Janella para sa isa't-isa.

Gaya nalang ng pagpunas ni Janella ng tissue sa bandang lips ni Jane dahil may sauce ito.

Yung pag abut ni Jane ng extra water kay Janella kasi nabilaukan ito kakatawa sa kwento niya about Joshua na kumain ng tae kasi sinabi niyang peanut butter yun and poor little Joshua believed her, it's the prank that almost made Joshua hate her so bad, buti nalang mga bata pa sila nun kundi friendship over na sila.

Meron din yung time na si Janella na naghiwalay ng tinik sa fish ni Jane kasi muntik na'to makakain nu'n.

Janella even asked kung nilalamig ba si Jane sa lakas ng aircon malapit sa lugar nila when in fact, sa kanilang dalawa, siya yung mas possibleng lamigin.

Jane taking notice of the possibility na lamigin si Janella offered her jacket dito.

And well, both Joj and Joshua did not have the heart na sirain ang moment nung dalawa.

They even secretly talked to each other at nag discuss pa ng pagiging cupid nila para sa dalawa.

"para saan pang cupid kuno tayo dito eh pareho naman tayong walang silbi?" bulong ni Joshua kay Joj.

"andito tayo para iuntog mga ulo nilang may feelings sila for each other." bulong ni Joj sa kanya.

"pwede literal? nilalanggam na tayo dito oh." sabi ni Joshua ng may makita talaga siyang langgam sa mesa nila.

"siraulo ka, edi inuntog tayo ng mga yan sa pader? halos magkapasa ka na nga kay Jane eh, tas yang si Jea pag nagalit yan gugustuhin mo nalang na kunin ka ni Lord noh." sagot ni Joj kaya napakamot si Joshua sa ulo.

"ang ha-harsh nila."

"sinabi mo pa." iiling-iling na sagot ni Joj.

+++++

Kakatapos lang mag halfbath at magbihis ni Jane. Unlike the usual na ginagawa niya na magda-drums siya, mag gi-gitara o kakanta ay mas pinili niyang humiga sa kama niya at mag-isip.

mahal ko na ba si Jea? bakit parang ang bilis?

She sighed at inalala lahat ng mga nangyari sa mga nagdaang araw. Lahat yun, para sa kanya ang highlight ay yung mga panahong kasama niya si Janella.

"pero yung pagmamahal, wala naman sa kung gano kabilis naramdaman eh. pag mahal mo yung tao, mahal mo." she chuckled at herself.

"nasisira na yata ulo ko, kinakausap ko na sarili ko." napailing siya dahil dito.

Bigla namang may nag notif sa phone niya, a message.

Kinuha niya ang phone niya from her bedside table at tinignan kung sino o tungkol saan ang notification.

Halos mahulog sa mukha niya yung phone ng makita kung kanino galing ang isang text.

tangina, iniisip ko lang siya ah!?

Jea

Hi Jane! :) gising ka pa?

Nag reply naman agad siya dito at ilang palitan pa ng messages ang nangyari.

Jane

Hello Jea! gising na gising pa 😁

Jea

Oh? Why though?

Jane

d na yata ako agad sanay na matulog ng hindi pa 12 o 1 😂

Jea

Sira! But if that's the case, then can I come over? nuod tayo horror movie pampa antok. 😊 If it's fine with you.

Jane

Sure! sleepover?

Jea

I'll be there in 5 😊

Hindi alam ni Jane kung ano mararamdaman niya, matutulog sa unit niya si Janella.

Manunuod sila ng movie together.

Yung some other time na usapan nila, ngayon na mangyayari. Kinikilig siya.

"tangina, hindi na talaga 'to happy crush lang."

+++++

NOTE: Good night everyone :)

God bless.

What Binds UsWhere stories live. Discover now