After a long tiring day sa class ay naisipan ni Jane na pumunta ulit sa building nila Joshua. There's no way na uuwi siya sa kanila para makipag argue sa mom niya.
Pag dating niya sa labas ng classroom nito ay sumandal na siya sa kung saan na siya lagi tumatambay. It's only been 2 days yet lagi na siyang andito sa building nila Joshua at nakasandal sa labas ng room nito.
Habang naghihintay ay nag cellphone muna siya, binuksan niya different social media accounts niya at tumambay dun.
She caught sight of a recommended na e-follow and it's Janella's name, finollow na kasi ito ni Joshua.
"it wouldn't hurt if I follow her."
And she did. Andun din ang account ni Joj kaya finollow niya na din.
She then continued scrolling ng makita niya ang ibang posts ni Janella. Her fingers then decided to just check the account. There's one picture na may hawak itong bass guitar, meron ding umiinom lang ito ng kape, she smiled looking at the pictures.
"happy crush." she told herself, reminding her ano lang ang pwede.
She exited the app at maglalaro nalang sana sa phone niya ng mapatingin siya sa loob ng classroom at sa isang estudyante.
She smiled at Janella and the latter did the same.
"happy crush, happy crush, happy crush." she chanted in her head.
Naunang umiwas si Janella sa tinginan nila kaya binalik na din niya ang mga mata niya sa phone niya. She'll just play.
After a few seconds, nagsilabasan na ang mga students kaya tinago na niya ang phone niya after niyang e-exit ang laro niya.
"oy, sinusundo mo 'ko Jane?" pabirong sabi ni Joshua sa kanya na sinamaan niya ng tingin bago hinampas.
"asa ka, may kotse ka noh. mabo-bore lang ako sa dorm kaya dumeretso ako dito, mukha kang clown kaya natutuwa ako pag nakita kita." sabi nito sa best friend niya.
"ang sama mo talaga sa'kin." sabi nito that made her chuckle.
"oy Jane!" biglang bati ni Joj sa kanya na nginitian naman niya.
"hi Joj, hello Jea." bati nito sa dalawa.
"hello Jane." nakangiti ding sagot ni Janella sa kanya.
They stared at each other with still those smiles ng magsalita si Joj.
"kain tayo ng dinner together everyone? advance celebration para sa club natin." sabi ni Joj.
"napasa na kasi ni Jea kanina yung lists ng members and sabi daw is magiging fully-approved na yung club if magkakaroon ng different instruments and page." sabi pa nito.
"right, we have 1 week for that. the thing is, ang daming kailangan, from spending money to promotions sa club..officially we need to start a band din." sabi ni Janella na tinanguan ni Jane.
"then discuss natin yan over early dinner, libre ko." she finally volunteered.
"oy! libre!" napa iling nalang si Jane sa reaksyon ng best friend na si Joshua.
"kahit kailan ka talaga." sabi niya.
"since bago kayo dito, suggest ako ng place kung san tayo kakain, okay lang?" tanong ni Joj sa kanya.
"sige ba." nakangiting sagot niya naman.
"sige, Jea, dun tayo sa usual hangout place natin..tapos, since hindi tayo nakapag car today, pwede bang sumabay na lang ako kay Joshua? tapos diba, may motor ka naman Jane? sabay mo nalang si Jea sayo to navigate, ang bad naman kasi kung mag-isa ka lang naka sunod sa'min eh." sabi pa ni Joj.
"huh? pwede naman, kung okay lang kay Jea na sumakay ng motor." sabi niya naman at tinignan si Janella.
"okay lang sa kanya yan, tara na Joshua.. para maka reserve agad tayo ng seats, baka madaming tambay na students dun eh!" sabi pa ni Joj at hinila na si Joshua.
"sige sige, see you dun ha?!" sigaw naman ni Joshua na hila-hila pa din ni Joj.
Jane smiled at Janella bago tumabi dito, "tara?" she asked and the girl nodded sabay naglakad na sila.
+++++
"isa lang helmet ko eh, ikaw na magsuot nito Jea." sabi ni Jane at inabot kay Janella yung helmet na kakakuha niya lang from her locker.
"pwede namang d mag helmet, malapit lang din naman dito yung place." sabi nito sa kanya habang sinasara niya ang locker niya.
"talaga? pero still, para safe ka..tara na." sabi ni Jane dito at tinulungan na si Jea sa pagdala ng helmet.
Pagkarating nila sa parking ay kinuha na ni Jane ang susi ng motor niya habang nakatayo lang si Janella sa gilid.
Hinarap na muna niya ang motor para deretso na sila sa pag-alis sabay tinignan si Janella ulit.
"suot mo na yung helmet Jea." sabi niya.
The girl just stood there looking at her, holding the helmet na para bang naka depende dito ang buhay niya.
"never ka pa ba nakasakay ng motor Jea?" she asks.
"nakasakay na naman ako, but that was a year ago. ahm, pwede bang wag mo masyado bilisan?" she smiled at Jea bago sumagot.
"of course, we can take our time naman, total nauna na naman sila Joshua dun eh. basta, safe yung byahe natin and panatag ka, okay lang." she said.
"thank you Jane." naka ngiti ding sagot ni Janella sa kanya bago sinuot na ang helmet.
Pinaandar na ni Jane ang motor at sumakay na ito, she waited for Janella na sumakay din and when the girl did, kinausap niya ito.
"hawak ka ng mabuti Jea ha?" sabi nito.
"yes Jane." sagot naman nito sa kanya.
And just like that, Janella hugged Jane from behind, holding on to her as if her life now depended on her.
+++++
NOTE: ang stressing ng life ni Regina and set-up nila ni Darna/Narda lol. so ito, ud tayo dito ng medjo chill :)God bless everyone!

YOU ARE READING
What Binds Us
FanfictionWherein Janella needs one last member for their music and band club to be accepted as an official club while Jane is seriously planning to rebel against her mom.