14

794 41 35
                                    

"at anong oras na? bakit ngayon lang kayo?" salubong na tanong ni Joj sa dalawa ng makapasok sila sa room. May hawak ng paint brush si Joj at mukhang may nagagawa na din sila ni Joshua na designs.

Iniwan na muna nila ang mga pinamili nila sa kotse, tapos yung delivery is bukas na nila ipapahatid, marami pa din kasing kailangang gawin sa music room na bigay sa kanila ng school eh.

"sorry, nagutom kami ni Jea eh. kumain muna kami." sagot naman ni Jane dito. Not really telling the main reason kung bakit sila kumain in the first place.

"kaya pala, eh Jane, may pagkain ba kayong dala para sa'min ni Joj?" naka ngising tanong ni Joshua na may pintura na sa damit.

"dugyot mong tignan Joshua." biglang nasabi ni Janella na nagpatawa kina Jane, Joj at Joshua.

"grabe ka na din sa'kin Jea ha, nahahawa ka na kay Jane." kunwari na ngayong nasasaktan nitong sabi.

Napailing nalang si Jane at binigay kay Joshua ang pagkaing nasa supot na bitbit niya kanina pa. Huminto kasi sila ulit ni Janella kanina para bilhan ng pagkain yung dalawa, anong oras na din kasi.

"yan, pakabusog ka..tsaka bigyan mo si Joj oy." sabi niya sa best friend niya.

"syempre naman, alangan namang akin lang 'to lahat....pero pwede din naman." natatawang sabi ni Joshua na dahilan para batukan siya ni Jane.

"siraulo!"

Tatawa-tawa nalang si Joshua na tinawag si Joj para samahan na siya kumain.

Napailing nalang si Janella sa mga pinag-gagagawa ng magkaibigan.

"let's paint na din?" tanong ni Jane bigla kay Janella.

"sure, dun tayo sa may harap." sabi naman ni Janella sabay nauna ng maglakad.

Sumunod naman si Jane sa kanya at habang abala sila Joj at Joshua sa pagkain, abala naman yung dalawa sa pag-iisip ng design na ilalagay na babagay sa designs na ginawa na nila Joj at Joshua.

Halos musical notes at instruments mga nasa wall, tinititigan lang 'yun ni Jane hanggang sa magka ideya na siya.

"ano nalang kaya, a girl playing a guitar?" sabi niya kay Janella.

Nag-isip naman saglit si Janella bago ngumiti at tumango, "pwede, then lagyan natin ng parang nasa picnic siya. you know, give the vibe of music with nature mga ganung vibe, you know that?" tanong nito sa kanya.

"yep, so, let's do that?" tanong ni Jane na tinanguan ni Janella.

"let's go!" masiglang sabi nito.

They started doing their work na and then Jane noticed how serious Janella is. Bawat galaw ng kamay nito parang nakikipagsayaw ang brush sa wall nila.

She does this well.

Sabi ni Jane sa sarili ng makitang maganda nga ang gawa ni Janella.

it's colorful yet beautiful, hindi nakakasawa and hindi masakit sa mata. nakakakalma.

Sa isip niya at tinitigan nalang si Janella na hanggang ngayon busy pa din.

just like her. she looks just like that. beautiful and calming.

+++++

NOTE: 2 ud tayo ngayon 😁

Song recommendation: Living Proof - Camila Cabello

What Binds UsWhere stories live. Discover now