Jane and Janella feels different being together now.
Patapos na sila sa stage decorating at halos 8 p.m na din. Dinner? nanlibre ang buong officers nun but somehow, parehong hindi kumain si Jane at Janella.
Jane said busog siya while actually overthinking na baka nagse selos nga si Janella kasi gusto nito si Paulo. But then again, pano naman nakilala ni Janella si Paulo?
pero it seemed like d naman niya kilala si Paulo ah? ano yun? crush niya tas d niya alam name? nakita niya sa library tas biglang, ay crush ko na 'to? ganun?
On the other hand naman, Janella declined the offered food by saying na busog din siya, all the while looking at Jane losing her mind.
Hindi mind reader si Janella pero halatang iniisip pa din ni Jane na crush nga niya yung kung sino man yung Paulo na yun.
Heck, she does not even care about the guy. Hindi nga niya mapapansin yun kung d lang siya kausap ni Jane eh.
ano 'to? mapapaamin ako just coz I'm jealous? gosh.
Napa eyeroll siya dahil dun.
Ngayon, nagliligpit nalang sila ng ibang mga materials kasi bukas na tatapusin ng officers yung task.
Tapos na din sila sa ambag nila kaya d na nila kailangan bumalik bukas. So, practice na ulit sila bukas, last day na din bago ang big day sa Friday.
As they're now preparing to go ay biglang bumukas ang pinto, a handsome guy standing is seen.
"oy Jea! si Marc?!" naka ngiting sabi ni Joj sabay kaway sa lalaki.
Janella's face instantly lit up nung marinig name ng dumating, she even turned at tumingin dito, kumaway din siya sa guy.
Marc also did the same, showing his perfect smile.
tangina, kung si Josh mukhang every other day lang maligo, tas si Paulo mukhang araw-araw naliligo, ito mukhang every hour eh. gwapo na tsaka maganda smile. ito ba yung mga tipo ni Jea?
Sa isip ni Jane habang tinitignan ang dalawa. Lumapit na kasi si Janella sa guy na Marc daw pangalan eh.
Nakita niya din panong nagyakapan yung dalawa.
ano naman kung magkayakap sila?
"Jane, yung water bottle, patay na." biglang sabi ni Joj sa tabi niya.
"ha?" takang tanong niya at nakita niyang masyadong humigpit hawak niya sa water bottle na dala niya, literal na patay na nga.
"gwapo ah, sino yun? jowa ni Janella?" tanong ni Joshua.
Kung may laser lang mata ni Jane, butas na ulo ni Joshua eh.
jowa? the heck?
"ah, hindi..." napangiti siya sa sagot ni Joj.
hindi naman pala jowa eh
"actually manliligaw niya si Marc..tatlong taon ng nanliligaw yan. ang bait tsaka kilala ng parents ni Jea." dugtong nito that made Jane held on sa empty water bottle even more.
3 years? tas okay sa parents? anong laban ko dun?!
Napailing siya sa naiisip.
"tapos na tayo dito diba? uwi na ako, kanina pa ako inaantok.. feel ko drained na ako eh." sabi niya sa dalawa tsaka nauna ng umalis.
Janella did not even notice her ng dumaan siya sa likod nito, but the Marc guy did, he nodded at her as if acknowledging her and she did the same.
magalang pa. mukhang ma respeto din talaga. him and Jea will look good together
Sa isip isip niya habang naglalakad papunta sa parking.
"hindi pa nga ako nagko confess, wala na agad akong chance." sabi niya bago tuluyan ng umalis ng school.
Meanwhile, Joj is laughing so hard to the point na pinagtitinginan na siya ng ibang officers.
"hoy, tatawa tawa ka jan!" saway sa kanya ni Joshua.
"tsaka ano yun? may manliligaw pala si Jea tas may pa cupid cupid pa tayo dito? gagohan lang?" tanong ni Joshua dito.
Umiling si Joj sabay tumigil sa pagtawa.
"hindi naman kasi talaga manliligaw ni Jea si Marc eh." sabi nito and Joshua looked lost.
"ha? eh ano niya?" takang tanong nito.
As if on cue ay lumapit naman si Janella sa kanila kasama yung Marc.
"Josh, this is Marc, Marc, meet Joshua or you can just call him Josh." pakilala nito sa kanila.
Inabot ni Marc ang kamay nito for a handshake na tinanggap naman ni Joshua.
"he's my cousin." dagdag pa na sabi ni Janella sabay lumingon-lingon sa paligid.
"where's Jane?" tanong nito.
Nanlaki naman mata ni Joshua sa narinig.
"pinsan mo?!" napalakas na boses na tanong nito kay Janella.
"ahm, oo?" naguguluhang sagot ni Janella.
"favorite pinsan actually, ka edaran din kasi eh." sabi ni Janella.
"plus the fact na mabait din talaga si Marc and ka vibe ni Jea.." sabi din ni Joj na tumabi na kay Marc.
"ka vibes natin dalawa kamo." sabi ni Janella ng nakangiti.
"pero san na nga si Jane?" tanong niya.
"umalis na eh, sabi drained daw today..inaantok na daw kaya umuwi na." sabi ni Joj na parang walang kasinungalingang ginawa.
"ha? ba't d nagpaalam?" tanong ni Janella.
"puntahan mo nalang mamaya sa unit niya." sabi ni Joj ng nakangiti.
"sabagay, that also means na ikaw mag e-entertain dito kay Marc ha? kailangan ko ng umalis, para maabutan ko pang gising si Jane." sabi ni Janella sabay kinuha na ang bag.
"pakilala mo sakin si Jane, insan ha?!" pasigaw na sabi ni Marc bago tuluyang maka alis si Janella.
"sige! bye everyone!" sigaw nito at lumabas na.
Naiwan silang tatlo na nakatayo sa same spot and then Marc broke the silent atmosphere.
"hulaan ko, may something si Jea sa Jane na 'yun?" tanong ni Marc kay Joj.
"yes, pero ayaw niya e recognize..kaya ito kami ni Joshua, gumagawa ng paraan." sagot ni Joj.
"anong paraan? baka kalokohan pinaggagawa nito ni Joj, tama ba ako Joshua?" tanong nito kay Joshua.
"well, sabi niya kanina manliligaw ka ni Jea." kamot batok na sabi ni Joshua na dahilan kaya napailing si Marc.
"dinamay pa nga ako.."
"kasi naman Marc.. may pinagselosan kasi si Jea kanina, para naman fair, yun, halatang nagselos din si Jane..pag yung dalawa di pa nagka aminan, ewan ko nalang." sabi ni Joj.
Joshua and Marc both shook their heads.
"makiki balita ako anong meron sa dalawa, tara, libre ko kayo sa labas, wala naman kayong curfew na kailangan habulin noh? hindi naman nagla lock yung dorm niyo diba?" tanong ni Marc.
"hindi naman.. pero pagkain ba libre?" tanong ni Joshua ng naka ngisi.
"ikaw talaga kahit kailan ka basta pagkain eh, kakakilala mo lang kay Marc uubusin mo na pera sa pagkain." saway ni Joj.
Natawa si Marc sa dalawa, "ano ba, okay lang, libre ko nga kayo eh. tara?" tanong nito.
"sige sige."
They then started going out after saying their goodbye's sa mga officers na naiwan pa.
+++++
NOTE: last ud today, ewan if mag a-update ako bukas tho 😁
good night :)
God bless.

YOU ARE READING
What Binds Us
FanfictionWherein Janella needs one last member for their music and band club to be accepted as an official club while Jane is seriously planning to rebel against her mom.