CHAPTER 39: BATI NA NGA KASI TAYO

28.5K 384 2
                                    

"Wife.."

"Oh?"

"Bati na tayo."

"A-yo-ko."

"Sige na."

"A-yo-ko."

"Sige ka.."

"Oh ano?"

"Hindi, joke lang. Hehehehe."

"Manuod ka na lang. Yung kambal?"

"Garden. Syb's watching them."

"Kuha kang potato chips." Utos dito ni Sky.

"If I get potato chips, bati na tayo?"

"Pag-iisipan ko. Ako na nga lang!"

"Hindi, joke lang. Kukunin na po." Tumayo na ito. Pumasok naman ang kambal. Kumalong ang dalawa sa kanya. Tig-isang hita. Kinuha niya ang towel sa bag ng mga ito.

"Change your clothes, twins." Sabi dito ni Earth, may hawak na malaking bowl ng potato chips.

"Penge, Tito." Lumapit dito si Apollo. Reaching the bowl of chips with his little hands.

"Here you go, young man. Change your clothes now. You're already sweaty. Boys should smell good." Then winked at Apollo. Nagtatakbo naman itong sumunod sa kakambal nito.

"Be careful!" Habol ni Earth.

"Here's your bowl of potato chips, Mi Lady." Nilapag nito sa pagitan ng hita niya dahil naka-Indian sit siya.

Maya-maya, dumating ang kambal. May dalang polbo.

"Palagay, Tita/Tito." Sabay na sabi ng dalawa.

Kumandong ang dalawa sa kanila. Artemis to Earth and Apollo to Sky. Both twins are fond of Earth. Maski nung una pa lang.

"Tita, kailan kami magkakaron ng kalaro?" Tanong ni Artemis.

"Ha? Kalaro? Eh di ba, kalaro mo na si Apollo." Sagot ni Sky.

"Not that, Tita." Sagot ni Apollo. Nakatingin lang dito si Earth.

"E ano?"

"Tita, when will you and Tito Earth have a baby? Tagal naman ih." Sabi ni Artemis.

Sky looked at Earth. And Earth's reaction? Amused. Natatawang nakangiti pa ito.

"Hmm, soon." Sagot ni Earth dito.

"Soon pa? Tagal naman." Sagot ni Apollo.

"Hindi kasi ako kabati ni Tita Sky mo." Bulong dito ni Earth. Bulong, pero rinig niya.

"Tita, bati na kayo ni Tito Earth. Sige naaaaaaa." Sabi ni Artemis.

"Oo nga, Tita. Bati na kayo. Para magkaron na kami ng kalaro." Segunda ni Apollo.

"Oo nga, Wife. Bati na tayo." Sabay pacute pa nito. Kung hinahampas ko kaya ng sofa 'tong lalaking 'to? Asar!

"Sige naaaaa, Tita Skyyyyyy." Pangungulit pa nilang dalawa.

Labas sa ilong siyang sumagot ng, "Oo na."

"Yehey! Oh, Tito. Bati na kayo ni Tita Sky. Kiss na." Sabi ni Artemis.

"What?"

"Mom and Dad were like that." Sagot ni Apollo. Isa pa yung kuya niya!

"Come on, Wife." Sabay pout nito. She just gave him a smack. And a death glare. He mouthed, 'What?'

They were watching movies, maya maya lang ay lupaypay na ang magkambal. Parehas nang nakatulog sa kandungan nila ni Earth. Binuhat nilang dalawa paakyat ang dalawang bata at pinasok na sa guest room. Siesta nga pala ng dalawang bata. Kasunod naman nila si Syberia. Dakilang bantay ng dalawa kapag nasa bahay nila.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon