CHAPTER 64: ANONG MERON?

21.3K 257 6
                                    

"Anong meron?" Tanong ni Dana.

"Bakit ang daming nagkalat na tao?" Tanong ni Gabby.

"Malamang, school 'to. Madami talagang pakalat-kalat dito." Sagot ni Sky. Binatukan ito ni Gabby.

"Foundation Week, remember?" Sagot ni Finn. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot sa tabi ni Sky. Kasama na rin nito si Summer.

"Wtf, Finn!" Sabi ni Gabby.

"Hehe pows. Sorry, Gabby."

Ngayon, magkakasama nanaman silang lima. Ngayon lang uli, dahil puro busy sila sa projects nila.

"Girl! May free hugs don o!"

"Ang gagwapo kaya nung mga andon!"

"Oo nga! Di ba yung mga varsity ng basketball team ang andon?"

"Ay oo, girl! Tara na!"

"Huh? Ano? Anong sabi ni ate?" Tanong ni Gabby.

"Ewan. Free hugs daw e." Sagot ni Finn.

"Tara dun dali!" Yaya ni Dana.

"Gusto mo ng free hugs?" Tanong ni Sky.

"Gaga, hindi. Makiki-usyoso lang tayo." Sagot nito.

"Tara na." Yaya ni Summer.

May isang nakalagay na "FREE HUGS" sa isang booth. Seryoso ba 'to? Aanhin ang free hugs? Tsaka, bakit may free hugs?

"Finn, ano 'to?" Tanong ni Sky.

"Hindi ko alam na may ganyan." Sagot nito. Nakakunot na ang noo nito.

Patay, pag yan na-beastmode e.

Lumapit sila sa booth. At nganga, ang daming babaeng nakapila para sa free hugs.

Si Earth, nakakunot na. Si Jake, nakasimangot. Si Cedie, hindi maipinta ang muka. Si Lance at Drei ang nage-enjoy.

All of them are wearing tshirts with a statement of "Free hugs".

Pati yung ibang teammates nila, nandun din. Mga nage-enjoy din. Well, mga single naman yan sila.

Bigla silang napansin ni Drei.

"Hi babe!" Bati nito kay Summer.

"Babe mo muka mo." Bwisit na sagot ni Summer.

"Baby girl! Gusto mo ng free hugs?" Tanong ni Lance.

"Free hugs mo muka mo." Asar na sagot ni Gabby.

"Free hugs?" Tanong ni Jake kay Finn.

"Bakit may s?" Tanong ni Finn.

"Para matagal sayo."

"Gago." Bugnot na sagot nito.

"Free hugs, you like?" Tanong ni Cedie kay Dana.

"Eeeehhhhh.." Si Dana pabebe.

Natatawa na lang siya sa mga kasama niya. Seriously, anong meron sa kanila?

Bigla siyang hinila ni Earth. Napasubsob siya sa may dibdib nito.

"Anong--"

"Free hugs." Pinutol nito ang sasabihin niya.

"Ha? Hindi naman ako nakapila a?"

"I know. Where have you been? I'm looking for you since the morning."

"Locker room. Nakatulog ako don. Ginising lang ako ni Dana. Bakit mo ko hanap?"

"W-Wala." Bigla itong nagiwas ng tingin sa kanya. Nakatingala kasi siya rito.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon