CHAPTER 3: JEALOUS?

73.3K 911 10
                                    

"Wife, are you jealous?"

Wait. Ano daw? Ako? Nagseselos? Uy! Hindi a!

Hindi nga ba talaga? Tanong ng maharot kong konsensya.

Hindi nga kase! Eneberr!

Odi sige, pabalikin natin si Higad dito!

Ay letse! Akin lang si Earth! Pakshet!

"Hey, Wife?" Earth snapped his fingers at me.

"H-Ha? A-Ano?"

"Pabalikin ko ba si Cassiopeia dito?"

"Ay nako! Letse ha?! Subukan mo pabalikin yon! Pati buto, hahalo sa tinalupan!"

"Because?"

"Because you're mine! You're my husband! I'm you're wife! Ako lang ang may karapatan! Ako lang may karapatan na yakapin ka at halikan ka! Aba! Magkamatayan na, pero hinding hindi kita ise-share! Dun pa sa higad na yun?! Pwede ba, di hamak na mas maganda ako don no! Sexy nga siya, hipon naman! Ang kapal ng foundation! Di katulad ko! Maganda talaga!" Sabay flip hair.

"So, hindi ka pa selos niyan?"

"H-ha? H-hindi no!"

"Really?"

"O-Oo naman no!"

"Ok. So, I'll call Cassy again and--"

"Ugh! Oo na! Nagseselos na ako!" Langya, ganun ba siya ka-obvious?

"Why are you jealous, Wife?"

Teka, bakit nga ba siya nagseselos? Pero natural lang naman yun sa mag-asawa di ba? Tsaka sa magboyfriend at maggirlfriend? Di ba?

Natural nga yun. Pero di ba, nagpakasal kayo na wala naman pa kayog feelings sa isa't isa? Sabi nung maharot kong kunsensya.

"A-Ano.. Kasi ano.. A-Ano.." Paking teyp! Ano nga bang isasagot niya? Na crush niya ito? Kaya siya nagseselos? Seryoso? Crush sa age niyang 24?! Nakakagago ha? Hahahaha.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Earth sa kanya. Earth pulled her closer to him. Kainis. Bakit kasi ang gwapo ng asawa ko? Yung buhok niya, natural nang magulo. Tapos yung mata niya, parang inaantok lagi. Tapos ang tangos ng ilong niya. Sarap pisilin. Tapos yung lips niya.. Yung lips niya. Ilang beses ko na bang ninakawan ng halik yun? Tapos ugh, may abses niya. Madami kasi. Ang tangkad pa niya. Sarap! Ulam na e! Kanin na lang kulang e. Oy ha, may permit ako! Kahit nga daw halayin ko siya, okay lang. Hihihi. Ay shet! Ang halay!

Earth held her chin. "You look cute when you're jealous. Nalaki yung butas ng ilong mo o." Then he laughed heartily.

"Anong nalaki ang butas ng ilong ko?! Hindi kaya!" Hinampas niya ito sa balikat.

"But, you really are jealous, aren't you?" Naramdaman niyang namula nanaman siya. Aamin na ba siya? Ugggghhh!

"Uhhmmm, hindi?" Eh? Bakit patanong?

"You're asking me and keeps on denying it to me. Yet, it's obvious." It's a statement. Huli na nga siya! Naman e.

"Naman e." Napa-pout na lang siya. Halata na nga. Kainis. Then she felt Earth's lips to hers. Hindi naman siya humihingi ng kiss! Pero bakit siya kinikiss ni Earth? Pero ulit.. Heaven! MWAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"Bakit ka nanghahalik bigla-bigla dyan?!" Kunyare galit. Pero nasarapan sa pagkakahalik. Mwahaha.

"Uhh. Because I have a permit and the right?"

"Nantsa-tsansing ka lang e!"

"Hindi tsansing yon. Okay lang yun. Mag-asawa naman tayo." Sabay ngisi ni Earth.

"Asus. Dahilan mo."

"Kiss mo ko."

"Ano kamo?"

"Kiss me." Nanguutos lang? Aba nga naman!

"A-yo-ko."

"Papabalikin ko uli si--"

"Hep! Oo na! Eto na nga! Demanding neto!" Then she kissed him in the cheeks.

"Cheeks lang? I've kissed you on your lips." Reklamo ng mokong.

"Tsansing ka kase. Kaya sa lips ka kagad humalik. Para-paraan."

"Kiss me in my lips."

"Bakit ba gusto mo sa lips?" Taas kilay niyang tanong. Kunyare pakipot. Wag sunggab agad!

"Fine. Sa iba na lang." Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Tatalikod na ito ng mahagip niya ang tie ng suit nito at hinila yon. Letse! Di pwedeng sa iba! Sa akin lang! Sabay halik niya sa lips nito.

Mga moves mo, Sky.

Manahimik kang maharot kong konsensya! Heaven 'to. HEAVEN. All caps talaga. They weren't moving their lips. Magkalapat lang. Smack na matagal. Smack tas matagal? Ay basta! Yun yon!

"Try mo magpahalik sa iba, isasabit kita sa basketball ring tapos sa volleyball net." Pagbabanta niya dito.

"I'm just kidding. I won't kiss or let anyone else kiss me if it's not you."

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo, Mr. Erwann Timothy Villacencio."

"Yes, Mrs. Erwann Timothy Villacencio." Then he winked at her. Shett! Di naman nalaglag panty ko no?

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon