EPILOGUE PART 1

28.8K 307 4
                                    

"Nay! Wake up na."

Panggigising sa kanya ng anak nilang si Sean. Ano ba naman? Antok pa siya. Alas tres na siya natulog kakapanuod niya ng Star Wars. Mula Episode 1 hanggang 6, tsinaga niya yun.

"Antok pa si Nanay, baby." Nagtakip siya ng kumot sa muka niya.

"Nay, hindi na po ako baby." Sean whined. "Pero nay, gising ka na." Ungot uli sa kanya ni Sean. This time, sumampa na ito sa kama nila.

"Asan ba tatay mo?"

"Nasa kitchen po, nay."

"Ang Kuya Thunder mo?"

"Tulog pa rin po, nay."

She finally opened her eyes. "Morning, son." She smiled at him.

"Morning, nay." Sean smiled.

"Gisingin mo na rin ang Kuya Kulog mo ha? Magaayos lang ako."

"Yes, nay." Sumaludo pa ito sa kanya at nagtatakbong lumabas sa kwarto nila. Narinig pa niya ang pagtalpak ng pintuan ng kwarto ni Thunder. Si Sean talaga, oo.

Pagkatapos niyang magayos ay bumaba na siya. She was expecting their two sons already sitting at the dining, pero wala pa yung dalawa.

Napansin naman siya ni Earth na hawak ang phone at mukang may binabasa. Isinilid nito ang phone at lumapit sa kanya.

"Morning, Wife." Naramdaman niya ang labi nito sa noo niya.

"Morning din." Niyakap niya ito at sumiksik sa leeg.

"Stubborn woman. I told you to sleep by 2am."

"1 hour lang inextend ko. Wag ka nga." Inamoy pa niya ang leeg nito.

"Did you finished it?" Tanong nito.

"Yep. Finished until the 6th episode."

Inalayo siya nito at tiningnan. "What?"

"Oy ha. Hanggang 6 episodes kaya yung Star Wars!" Depensa niya.

"Tsk. Tingnan mo yang eyebags mo." Napangiti siya. Nagtagalog kasi ito. Yung dalawang anak niya kasi, nahawa na rito sa tatay nila. Magdudugo na tenga at ilong niya sa tatlong 'to e.

"Okay lang yan. Mahal mo pa rin ako." She grinned at him. Earth rolled his eyes.

"Hmm." Pinisil nito ang ilong niya. Sumiksik siya uli dito at yumakap.

Nasa ganoong akto sila nang dumating ang dalawang anak niya. Dala dala ni Thunder si Sean at mukang nagkukulitan ang dalawa.

"Morning Nay. Morning Tay." Sabay na bati ng dalawa. Lumapit ang dalawa sa kanila. Sean and Thunder kissed both of her cheeks. Ginulo lang ni Earth ang buhok ng dalawa.

"Tay naman! Yung buhok ko." Reklamo ng dalawa. Napatawa si Earth.

"Oh, sayo namana yan ha. Hindi sakin ha." Natatawa niyang sagot.

"Come on family. Let's eat." Kanya kanya na silang upo. Eath cooked daing, eggs and fried rice.

"Uy, daing!" Masayang sabi ni Thunder. Napatawa na lang silang mag-asawa.

"Labas tayo?" Kunway tanong sa kanila ni Earth.

"As in? Now na?" Tanong niya.

"Yea. Tara beach?"

Bumaling siya kay Thunder. "Free ka today, Kulog?"

"Yep, Nay. No assignments for the holidays. So yea, I'm free."

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon