CHAPTER 50: VILLACENCIO FAMILY

27.4K 367 3
                                    

They were already on their way to Earth's parents. Ang alam niya, nandun din ang dalawang kapatid ni Earth. Si Ate Fire pati ang asawa nitong si Nathan at ang bunso ng mga Villacencio na si Ice.

Dala din nila ang apples. Dahil dun na lang daw siya maggawa ng Apple Pie. Bumusina lang si Earth sa gate, at pinagbuksan ito.

Nadatnan nilang alaga ni Ice ang pamangkin na si Aki. Parehas nanunuod ng tv. Nakakalong si Aki kay Ice habang nilalaro at sinusubo ang isang titter. Dumiretso ng kusina si Earth dala ang apples.

"Hi Ice. Hi baby Aki." Bati niya sa dalawa. Napatingin naman sa kanya si Ice at nginitian siya.

"Hi, Ate Sky. Aki, si Tita Sky o." Napalingon si Aki. Aki groaned and spread his arms wide. "Ate, gusto sumama sayo." Ibinigay ni Ice si Aki kay Sky.

"Hi Aki boy." Sky starts giving kisses to Aki. Pinupog niya ito ng halik. At si Aki, tuwang-tuwa. Aki's now 5 months old. Maputi ito, at malusog.

"Tuwang-tuwa ka naman kay Tita Sky." Pagkausap dito ni Ice.

"Nasan nga pala si Ate Fire tsaka si Kuya Nathan?"

"Ate Fire's upstairs. Maliligo daw. Kuya Nathan's with Papa. Namamalengke yung dalawa. Ako, si Mama tsaka si Ate Fire lang ang naiwan. Gusto daw ni Mama magluto."

"Ba't di ka sumama?"

"Late na ako nagising, ate. Tsaka, walang babysitter si Aki."

"Babysitter ka na ngayon?" Natatawa niyang tanong.

"Yea. And you know, kapag nag-anak na kayo ni Kuya, ako rin babysitter." Sabi nito.

"Oo ba." Sagot niya.

"Oh, ayan na pala si Ate Fire." Napatingin siya sa hagdan. Still, maganda talaga si Fire Villacencio-Lagdameo.

"Hi Sky! Hi baby, come to mommy?" Aya niya kay Aki. Aki groan again at sumiksik ito sa leeg ni Sky. "Uy, namiss ang tita niya." Natatawang sabi nito.

"Punta tayo kay Tito Earth." Yaya niya kay Aki. Naabutan niyang magkausap ang mag-ina.

"Hi Mama. Good morning po." Nakipagbeso siya rito. "Hi hija, kamusta ka na?"

"Okay naman po, Mama. Kayo po ba?"

"Ayos lang naman iha. Inaalagaan ka ba nitong asawa mo?"

"O--" she was cut off by Earth.

"Yes, Ma. Always taking care of her." Sabay akbay nito sa kanya.

"Haay nako. Bigyan niyo na lang kami ng apo."

"Processing, Ma." Sabay ngisi nito sa Mama nito.

"Good morning family!" Biglang bungad ng Papa ni Earth. Kasunod nito si Nathan.

"Good morning po, Pa. Good morning, Kuya Nathan." Bati dito ni Sky. Tinanguan siya ni Nathan at nginitian.

"Good morning din, Hija. Namiss ka namin ha. Ikaw anak, sinosolo mo masyado 'tong asawa mo. Base ano na ba?"

"Home base, Pa."

"Three points?"

"Paltos nga, Pa." And the three men laughed. Nakangiti naman ang Mama ni Earth. Si Aki, nalilibang ata sa buhok niya.

"Three points mo na agad. Para may mini me ka na rin tol." Sabat naman ni Nathan. Saka lang nagets ni Sky ang sinasabi ng tatlo. Kinurot nito sa tagiliran si Earth. Pero tumawa lang 'to.

"Sky, Aki is already sleeping." Untag sa kanya ni Nathan.

"Kaya naman pala di na naglilikot. Sige na, ako na Kuya." Umalis siya ng kusina at naabutang nanunuod pa rin ng tv si Ice.

"Ice, where should your Ate Sky put Aki?" Nakasunod pala sa kanila si Earth.

"Dito na lang sa sofa. Sofa bed naman 'to Kuya. Kukunin ko lang yung unan tsaka yung panlatag niya." At umakyat na ito.

"Staring is rude, you know Hubby."

"We need to make our own version of mini me." Biglang sabi nito.

"Ano 'to, Villacencio for three?" Natatawang sagot niya.

"Yea." Natatawang sagot din nito. "Dun ka na nga sa kusina. Tulungan mo si Mama at Papa dun. Tsaka si Kuya Nathan."

"And you?"

"Dun muna ako kay Ate Fire. Tutulungan ko magprepare dun sa garden. Si Ice ang bantay ng batang 'to e."

"Mmm, okay." Earth kissed her hair at bumalik na uli sa kusina.

Matapos niyang mailapag si Aki sa sofa bed, nagpunta si Sky sa garden.

"Ate Fire! Tulungan na kita."

"Kahit naman tanggihan kita, tutulong ka pa rin. Oh siya, paki-ayos na lang yung mga pinggan."

"Sige ate." Nang matapos siya, hinila na siya ni Fire papasok ng bahay uli. "Mukang tapos na ata yung niluluto nila."
Parehas naka-apron si Earth at Nathan. Si Earth, nakasuot ng light pink na apron na may daisy sa gitna, samantalang si Nathan, naka-neon pink na apron at may sunflower sa gitna. Silang dalawa ang nag-insist na magluto.

"Ang cute niyong tingnan!" Bulalas ni Ate Fire.

"Thank you, babe." Nathan winked at Fire. Nginisian niya lang si Earth.

"Earth, anak. Pakigising na nga ang kapatid mo dun sa sala. Kanina pa kamo siya nilalaro ng pamangkin niya, hindi niya pinapansin." Utos ng Mama ni Earth.

"Alright."

Dinala naman nila ni Fire ang pagkain sa garden. Tumulong na rin si Papa magdala ng pagkain. Si Nathan ay nagtitimpla ng drinks nila.

Buhat-buhat ni Earth si Aki papuntang garden. Mukang nalilibang sa stubbles ni Earth dahil hinahalikan at kinikiliti nito si Aki gamit ito.

"Mag-anak ka na kasi, Kuya." Narinig nilang sabi dito ni Ice.

"Ge, mamayang gabi. Sisimulan ko na uli." Sagot nito sa kapatid. Narinig nilang lahat yon. Natawa naman ang mga ito. Habang si Sky, namumula na.

"Come on everyone, let's eat." After nilang magkainan, nagkwentuhan uli sila. Aki's with Sky again. Buhat-buhat nanaman nito ang bata at nilalaro ito.

"She'll be a good mother." Biglang sabi sa kanya ng Mama niya.

"Really? How did you know that, Ma?"

"You know, mother's knows best." Hindi namalayan ni Earth na nakaalis na pala ang mama niya sa tabi niya. He's busy watching his wife playing with his nephew.

"I know she'll be a good mom." Narinig niyang sabi ng ate niya.

"Why?"

"Mother's knows best." Sagot ng ate niya. "Gumawa na kasi kayo ng little version niyo. Aba, sayang ang lahi natin, kapatid." Then she tapped his shoulder. Napangiti siya.

--------------------------------------------------------
Ayan ha. May update na agad. Nabawi na ako. Hahaha! Sorry these past few days kung di makapag-update. Writer's block. Chos. Kunyare writer talaga. Comments? :)

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon