CHAPTER 75: THUNDER x HERO

24.8K 303 6
                                    

"Kulog, pabukas naman ng gate. May nagdo-doorbell." Narinig niyang utos sa kanya ng nanay niya na nasa kusina.

"Alright."

He saw a familiar face na nasa tapat ng gate nila.

Nakasuot ito ng itim na loose v-neck short at walking shorts. Seriously? He never sees her wearing fitted shirts. Maski nung lumipat ito doon.

"Morning." Bati niya rito.

"Same." Sagot nito.

"So, what brings you here?"

"Your mom."

"Huh?"

"Your mom made some apple pies. And she invited me in."

Niluwagan niya ang pagkakabukas niya sa gate. He smelled her floral scented hair nang lumampas ito sa kanya.

Naabutan niyang nakaupo ito sa sofa, habang nakakalong naman ang kapatid niyang Sean dito.

"Morning, little munchkin." Narinig niyang bati nito sa kapatid niya.

"Morning din, Ate Bayani." Ganting bati dito ni Sean. Because Sean learned that the tagalog word for Hero is Bayani. That's why he started calling her Ate Bayani. She lightly pinch his brother's cheeks. Kinukusot pa nito ang mata nito. Then his little brother yawned. Antok pa siguro. Maya maya lang ay sumubsob ito sa may dibdib ni Hero at yumakap.

"Eh? Sean?"

"He's sleeping."

"Eh?"

"Yep. He got pretty excited and hype because Nanay told him that you'll be here first thing in the morning. So he woke up early."

Napatawa ito. "Kaya pala antok pa."

"Well, you don't mind Sean sleeping in your, uh.. Uhm." Hindi niya masabi dahil nahihiya siya. Magmuka pa siyang manyak sa paningin nito e.

"No, it's fine."

"Hindi ka ba mabibigatan?"

"No. Sanay na ako. Besides, some of my little cousins were like this."

"I see. I'll just check on nanay if the apple pie is already baked." Iniwan niya ito sa sofa.

"Hero?" Napalingon siya sa may bukana ng hagdan. Ang gwapo talaga ng tatay ng mokong na yun no?

"Uh, morning po, Tito." She greeted him.

Ngumiti ito sa kanya. "Morning din, Hero. Kunin ko na muna si Sean, baka nahihirapan ka na e." Lumapit ito sa kanya. Amoy na amoy niya yung fresh mint na hininga nito. And wait, nagstraight tagalog ito! E samantalang si Kulog, minsan niya lang mapakinggan na nagtatagalog.

Ibinigay niya muna si Sean sa tatay nito. Umakyat uli ito. Tumayo naman siya at pupunta sana sa kitchen nang makasalubong niya si Thunder.

"Where are you going?"

"Uh, sa kitchen niyo?"

"No need. I've brought the apple pie."
Saka lang niya napansin na may hawak itong isang plate na may dalawang slice ng apple pie. Hinawakan siya nito sa braso at hinila papuntang sofa.

"Sit."

"Ano ko? Aso?"

"Come on now, Bayani. Sit. I'm sitting beside you."

Hero sit beside him. Nag-indian sit pa nga ito at kinuha ang isang throw pillow at pinatong sa binti nito. Kinuha nito ang isang slice ng apple pie at nagsimulang kainin. Her eyes are fixed on the tv.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon