CHAPTER 48: KUNYARE MARTYR SI SKY

26.4K 325 8
                                    

"Ano, Sky? Pa-shoot to kill ko na ba?" Tanong sakin ni Gabby.

"Oo, please lang." Sabay hilot ng sentido nito.

"Sure." Sabay tawa nito. Si Gabby lang ngayon ang maiistorbo niya. Busy kasi si Dana sa business nito. And Summer? Malapit na manganak yon. Kaya todo bantay si Drei.

Hinihilot niya ang sentido niya. Dahil nakukunsumi siya kay Tasia. Ang lakas ng loob manira ng araw. Dapat talaga hinampas na niya ng upuan e.

"Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit hindi ko pa siya hinampas ng upuan nang magtanda yung animal na yun!"

"Dapat kasi hinampas mo na."

"Hahampasin ko na dapat e. Dumating naman si Earth."

"Alam mo minsan, yung asawa mo di mo alam kung superhero o villain e."

"Oh? Bakit naman?" Kunot noo niyang tanong kay Gabby.

"Superhero kasi, lagi ka niyang sine-save pag andyan si Tasia o sino mang Poncio Pilato ang mangaaway sayo. Villain, kasi kontrabida. Andun na yung moment mo e. Tapos mawawala. Kasi gawa niya."

Napatawa siya sa sagot nito. "Seryoso ka? Baliw ka e."

"Hindi no! Just observing lang kaya." Bumelat pa ito sa kanya.

"Oo na." Natatawang sagot niya dito.

"Oh, babaeng marytr. Ano bang gusto ng animal na yun gawin?"

"She wants to claim Earth. Ano yun? Price si Earth? Trophy at sash ganun? Kung di baga naman.."

"Ano? Tuloy mo, Sky."

"Kung di baga naman tanga e." Nagtawanan sila at nag-apir pa. Kung sa pagiging mean lang, silang dalawa lagi ni Gabby. Wala e, mean din kasi. Pero mabait naman. She mean, mabait sila.

"Alam mo, yang si Tasia. Hibang yan e. Ipagpapalit niya yung tao tapos pag okay na at wala na ang lahat-lahat, saka babalikan. Tapos ang sama-sama pa ng ugali. Maganda na e. Kaso, hanggang dun lang. Maganda. Tapos, wala na." Sabi ni Gabby. Nakahawak pa ito sa baba nito.

"Tunay. Wag na siyang magsalita, di ba? Okay na yung muka niya e. Almost perfect. Tapos pag nagsalita naman, turn off ka na. Napaka-palengkera! Ano ba naman yun? Hindi naman ata ako naging ganun."

"Wala namang ganun satin no."

"Sabagay, oo nga."

"Dito ka na maglunch. May papatikim ako sayong bagong menu." Sabay hila dito ni Gabby papasok ng kitchen ng resto.

Binati sila ng crew ng resto. Luto na pala yung ipapatikim sa kanya ni Gabby. Titikman na lang niya. Remember, Gabby graduated with honors sa tinapos niyang Culinary Arts sa school nila.

"Oh? Ano? Masarap?"

"Kailan ka ba nagluto ng hindi masarap?" Natatawang tanong niya dito.

"Hindi nga e." At nagtawanan sila.

"Tara nang kumain! Jules, pahanda na nung food namin ni Sky. Thank you." Untag nito sa isang crew.

"Right away, Ma'am Gabby and Ma'am Sky." Nginitian nila ito.

"So, asan nga pala si Earth?"

"Office. May meeting sila ngayon, di ba?"

"Sino?"

"Lance, Drei, Jake, Earth, Cedie and Kuya Cloud. Don't you know?"

"Tss. Di pa kami magkabati."

"Haay nako. Yung totoo." Napatawa na lang siya.

"Hayaan mo siya. Bwisit siya." Gabby just rolled her eyes. Sky just laughed. Hindi pa rin nagbabago ang dalawa. Kasal na't lahat. Ganun pa rin.

"Ay, Sky. May gwapo sa entrance."

"Aanhin ko naman yun?"

"Dali na! May gwapo sa entrance."

"Sumbong kita kay Lance. Tamo."

"Sumbong mo. May gwapo nga kasi sa entrance. Hinahanap ka."

"Ha?" Sabay lingon nito sa entrance. "OMG. May gwapo nga."

None other than her husband, Earth. Naka-suit and tie pa ito. At halatang may hinahanap.

"Psst! Kuyang Gwapo! Andito yung hinahanap mong babaeng maganda!" Tawag dito ni Gabby. Napatingin naman sa kanila si Earth. And he smiled. And Sky died. De, joke lang.

"Guess I'm right. You're here." Sabi nito.

"Hindi Earth. Wala si Sky dito. Imagination mo lang yan." Sabat ni Gabby.

"Makipagbati ka na kasi kay Lance." Natatawang sagot ni Earth.

"Tse! Maganda ako! Bye na nga. Dyan na muna kayo. Dumami costumer ko. Thank you sayo, Earth."

"Call Lance. And tell him to go here. Dadami lalo yan."

"Hindi ko na kailangan yon no. Dahil maganda ako. Magandang maganda--Aray naman!" Binatukan kasi ito ni Sky.

"Nahahawa ka na sa pagka-conceited ng asawa mo. Dyan ka na nga."

"K. Bye. Humayo na kayo at magparami. Shoo!" Pagtataboy sa kanila ni Gabby.

Pagkasakay nila ng kotse, "How did you get there?"

"Lumipad. Joooke! Nagtaxi."

"Why didn't you use your Ranger?"

"Tinamad ako. Tsaka, na-radar ko namang susunduin mo ako. Hehehe."

"As usual." Binatukan niya ito. "Wife, I'm driving, just so you know."

"Anong as usual ka dyan."

"Kidding. Have you eaten lunch?"

"Uh, yea. May pinatikim sakin si Gabby na bagong ilalagay sa menu."

"Good."

"Yep. Nagpadeliver si Lance from their resto."

"Good. Wala ka nang gagawin?"

"None. Want to watch movies?"

"Sure!"

So, it's a movie date. <3

------------------------------------------------------
Gusto ko manuod ng movie! Gusto ko panuorin Insidious 3. Kahit takot ako. Hehehe. Maganda daw e. :P

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon