CHAPTER 60: SI EARTH MAY SAKIT?

25.1K 253 1
                                    

Sky lazily woke up, at tumingin sa orasan. 9am.

She stretched. Baka nakaalis na si Earth. May training yon sila e.

Nagtaka siya dahil paglabas niya ng kitchen, walang lutong breakfast. Tuwing aalis kasi si Earth para sa training nito, lagi siyang pinagluluto ng breakfast. Maaga itong umaalis para sa basketball training. Samantalang siya, hapon pa.

Napatingin din siya sa bag na nasa sofa pa.

"Andito pa yon?" She said to herself.

She checked his room. Nakita niyang tulog pa ito at kumot na kumot.

"Hey, Earth. Okay ka lang ba?"

Umungol lang ito. Hinawakan niya ang noo nito.

"Hala! Nilalagnat ka!" Bigla niyang sabi. Hinawakan nito ang kamay niya.

"I'm fine."

"I'm fine ka dyan. Tumigil ka. Teka, kukuha lang ako ng ipangpupunas ko sayo." Hinigit niya ang kamay niya, pero ayaw niyang pakawalan ito.

"Earth.."

"Dito ka lang."

"Kukuha lang ako ng ipangpupunas sayo. Babalik ako." Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.

Kumuha siya ng basin at nilagyan ng malamig na tubig at bimpo. Kumuha na rin siya ng gamot. Ipinagluto na rin niya ito ng soup.

"Hey, wake up. Kailangan mong kumain."

Nagmulat naman ito, bumangon at sumandal sa headboard. Nakahawak ito sa bridge ng ilong nito.

"Pinagluto kita ng soup. May gamot na rin. Now, eat."

He grunts.

"Uh, no. Now, eat." Sinubuan niya ito. Naubos naman nito ang isang mangkok ng soup na niluto niya.

"Here, drink this."

Umayos na uli ng higa at nilagyan niya ng towel ang noo nito. Namumula rin ito.

She chooses not to go to school today, for her to take care of Earth.

Kaya lang, ang kulit ng binata! Juice colored! Pumasok na raw siya ng school. Ay, ewan sa kanya. Bahala siya. Sasabihin na lang niya sa mga prof ni Earth na di makakapasok ito ngayon, dahil nilalagnat.

"Hey, hindi ako papasok. Walang mag-aalaga sayo." Tinapik niya ang pisngi nito.

"No. You'll be going to school today, Shanaiah Keith Yzabel." Sabi nito.

"Wth. But you're sick!"

"I can handle myself."

"No, you can't. You're sick."

"I can. Now, take a bath, dress and go to school. I'm fine."

"Ugh! Fine!" Tinalpak niya ang pinto ng kwarto nito.

Nagiwan siya ng note sa lamesa. Pinagluto na rin niya ito.

"Mr. I-can-take-care-of-myself,

Eat this and drink this so you'll be better.

P.S Lagot ka sakin pag gumaling ka na.

- Sky."

Nakabusangot na pumasok si Sky sa school. Nakasalubong naman siya ni Dana.. May dalang isang pack ng marshmallows.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon