CHAPTER 70: YEP, FOR THREE

24.1K 297 9
                                    

Nasa kitchen siya ngayon. Actually, they were thinking kung anong dessert ang ihahain nila mamaya. Oo, nila. Gabby asked for her help. Sino ba naman siya para tumanggi, di ba? Besides, she already missed making desserts.

"Hmm, ano kaya?" Tanong ni Gabby sa kanya.

"Cookies and Cream muffin?"

"Pwede. May stock pa naman dyan ng oreos."

"Edi, yun na lang."

Kahit may sariling mga chef si Gabby sa resto. Eto pa rin kung minsan ang nagluluto ng mga putahe. Well, she didn't took up CA kung hindi siya magluluto.

Hindi naman sila pinapakialaman ng mga kitchen staff sa resto, pinapabayaan na lang sila. Well, they know what to do.

"Ma'am Gabby. Nandyan na po yung mga investors, pati na rin po si Sir Lance at Sir Earth." Pasok ni Marco sa kitchen.

"Alright. Naka-prepare na naman ang kakainin nila." Sagot nito kay Marco.

"Sige po, Ma'am." Anito at lumabas na rin sa kitchen.

"Ready?"

"Yep!"

"Excited?"

"As in!" Sagot niya.

"All right, let's g!"

Parehas pa sila ngayong nakasuot ng chef's uniform. Well, bagay naman sa kanila. Hindi pa naman halatang buntis sila, dahil wala pa namang pagbabago sa katawan nila, impis pa rin ang tyan nila.

Ang memo kasi kay Gabby, magla-lunch muna sila, bago magstart ang meeting. Tapos, saka na ang snacks.

Kumatok muna si Gabby sa Conference Room.

"Excuse me, we'll be serving the lunch now." Sabi nito.

Halos lahat ng nasa conference room ay mga businessmen, iilan lamang ang mga babae, yung ibang nagdala ng secretary nila.

"Oh, so our chefs are Mrs. Dela Merced and Mrs. Villacencio." Sabi ng isa.

Hindi kasi sila napansin parehas ng asawa nila dahil naguusap ang dalawa, saka lang noong binati sila ng isa sa mga businessman.

Napatingin sa kanila ang dalawa, lalapit sana ang dalawa sa kanila, but Gabby mouthed the word, "Wait."

"We'll be serving your lunch now." Sabi ni Gabby. Nagsiupuan naman ang ibang businessmen na mga nakatayo, same as with their husbands.

Medium rare steak ang inihanda nila. May carrots and corn sa side dish, sa drinks, blue lemonade. Oo, alam nilang hindi terno terno, pero that's what unique sa resto ni Gabby.

Sila na rin mismo ang nagserve nito sa kanila.

"Why don't the two of you join us?" Sabi ng isa. Nagkatinginan na lang sila. Naglagay ng dalawang silya sa pagitan nila Earth at Lance.

"Alright, let's eat." Kunway sabi ni Lance.

Puro papuri naman ang natanggap ng dalawa, dahil sa luto nila. Umalis na sila matapos maglunch, dahil na rin magsisimula ang meeting ng mga 'to. Hindi naman sa wala silang pakialam, pero kasi ang layo ng tinapos nilang dalawa sa mga ito. At nasa dugo na nilang lima yun. Ikaw ba naman maging anak ng well-known tycoon businessmen. Sabagay, sila rin naman. Pero, wala e. Hindi kasi nila feel. May iba silang gustong gawin sa buhay, e yung lima naman, gusto nila yun.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon