CHAPTER 63: PHOTOSHOOT LAST NA PROMISE!

18.8K 247 4
                                    

Grabe! Na-drain ang energy ko. Nakakapagod mag-photoshoot. Ang sakit sa ulong umisip ng angles.

Partly, mainit din. Dahil sa mga studio lights na ginamit nila. Medyo nanlalagkit na rin siya, dahil naiinitan siya.

Well, hindi naman siya naka-graduate ng Comm Arts kung wala siyang alam sa photography, di ba?

Well, she enjoyed it. Lalo na sa mga asaran nila Gabby at Lance. Pati na rin sina Drei at Summer. Pabebe 'tong si Dana kay Cedie e. Hahahaha! Tinatanong niyo si Finn at Jake, wala. Ayun, beastmode lagi kay Jake. Matinde!

Hinahagod niya ang leeg niya ng lapitan siya ni Earth.

"Hey, baby. Are you okay?"

"Yea. Okay lang ako."

"You sure?"

"Yea. I'm kinda hungry." Saktong tumunog ang tyan niya.

"Wait, I'll get you food."

Busy na sila sa kanya-kanyang gawain. She, checking photos. Gabby with the food. Finn with the mag articles. Dana with the clothes. And Summer with the styles.

While the boys? Ayon, chill lang. Nanunuod ng basketball, malamang. Ano pa bang bago?

Tuna pesto and garlic bread ang menu na dinala ni Gabby ngayon. And blue lemonade.

"Ang dami naman niyan."

"No, we're sharing."

"Kaya pala e."

"Now, eat baby."

"Eto na po." She enjoyed eating the food. Oo, maalam at masarap siyang magluto. But when it comes to Gabby's skills, superb!

Sabi niya, she took up CA because of the reason, "Wala lang. Trip ko lang." Wala e, rich kid kasi. Only child pa. Oh, di ba?

"Staring is rude, you know? Eat." Iniumang niya ang tinidor sa bibig ni Earth. Sinubo naman nito yon.

Oo na. Indirect kiss yon no. Wag nga kayong ano, indirect naman. Hindi pa direct. Mwahahaha!

When she was introduced to him, it wasn't awkward. Kilala naman kasi niya ito. Himala nga, natandaan niya pangalan nito. Maybe because, Earth's one of her brothers main clique. He belongs there.

Hindi naman touchy 'to, and that's what she like about him. Not because she is his fiancee, magte-take advantage na ito. Hanggang akbay at holding hands lang ito. Minsan hinahawakan siya sa likod o sa bewang, pero madalang lang.

Kiss? Forehead tsaka cheeks pa lang. Kailangan pati yon, tatanungin? Haay nako!

"Dessert?" Narinig niyang tanong nito.

"Mamaya na lang." Sabi niya habang ngumunguya pa.

"Don't talk when your mouth is full, lady."

"Nagtanong ka kaya, edi sinagot ko."

Mahina siya nitong pinitik sa noo. Naman, parang si Kuya Cloud lang e.

"Tss."

Ako nga pinitik niya, siya pa galit? Hambalusin ko kaya ng isa 'to? Kakaurat.

"Kanina baby, ngayon lady? Mga ilang endearment pa ang balak mo sakin tawagin?"

"You're a lady and you're my baby. Now, eat." Siya naman ngayon ang sinubuan nito ng garlic bread.

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon