CHAPTER 55: THE GWAPOS

26.6K 331 2
                                    

"Mommy, pupunta tayo kina Mamita?" Tanong ni Thunder.

"Yep. Ligo ka na."

"Di mo ko papaliguan, My?"

"Sabi mo, big boy ka na."

"Sigi naaaaa." Nagpout pa ito. Naglalambing ito.

"Pagkatapos mo maligo, si Mommy naman. Gisingin mo ang daddy mo ha?"

"Yes, Mommy!"

Sumunod sa kanya papuntang kwarto si Thunder para gisingin si Earth.

"Gisingin mo na daddy mo." Sumampa naman ito sa kama. Sumaklang ito sa likod ni Earth. Dahil, nakadapa ito.

"Daddy! Gising na!" Niyugyog pa nito ang balikat ni Earth. Umungol lang si Earth. Tumingin sa kanya si Thunder. Kumunot ang noo nito at nagpout nanaman.

"Daddy, may manliligaw daw kay Mommy!" Biglang sabi nito. Biglang napaharap si Earth dito.

"What the?! Who?!"

"Secret."

"You have a suitor?" Biglang tanong nito kay Sky. Umiling si Sky.

"You're finally awake, Dad." Tinawanan ito ni Thunder.

"Ugh." Hinila nito si Thunder pahiga.

"Daddy, pupunta tayo kina Mamita. Remember?"

"Yea. Five more minutes, please?"

"Mmm. Okay."

Nang lumabas si Sky ng banyo, magkatitigan ang mag-ama. Parehas nakakunot ang noo ng dalawa.

"Ehem." Napatingin ang dalawa sa kanila. Nawala ang kunot sa noo.

"Tss. Oo na, ang gwapo niyong dalawa." Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti. "Baba na, susunod na ako. Nakahanda na ang breakfast." Utos niya sa dalawa. Naunang bumaba ng kama si Thunder. Lumapit naman sa kanya si Earth.

"Morning, Wife." And kissed her forehead.

"Morning." And smiled at him, and give him a hug. Nasa ganoong posisyon sila ng may maramdaman nilang may sumisiksik sa gitna nila.

"Ako rin! Ako rin!" Sabi ni Kulog. Earth stooped down and bring Thunder to his arms. Sky gave them a bear hug. "Mommy, why so bango?" Biglang tanong ni Thunder.

"Kasi naligo na si Mommy."

"Pag naligo ba, mas mabango Mommy?"

"Oo naman."

"Ligo ka na mamaya, Daddy."

"Hubby, bitaw na."

"Daddy, bitaw na kay Mommy. Joke lang yung kanina. Walang suitor si Mommy, ikaw lang. Labyu, tay. Hehehe." Sabi nito. Ginulo ni Earth ang buhok nito.

"Come on. You want cereals?" Narinig pa niyang tanong ni Earth kay Thunder bago niya isinara ang pinto para magayos.

Nang makarating sila sa sa mansion ng mga Villacencio, sinalubong sila ng kagigising pa lang na si Ice. He was just wearing a black boxer shorts. Tambay ba 'to sa gym?

"Good morning, bro. Puyat?" Natatawang bati rito ni Earth.

"May pinagpupuyatan." Sabay ngisi nito.

"Where's Mom and Dad?" Tanong nito.

"Garden."

"Tito Ice, up." Nagpapabuhat dito si Thunder.

"Hi, Kulog." Sabay halik nito sa pisngi nito. Remember, Thunder is the youngest.

"I saw you with someone the other day."

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon