CHAPTER 47: KUNYARE MARTYR

27.8K 382 5
                                    

"Palayasin mo yan. Hahampasin ko ng upuan yan. Seryoso!" Bulong ni Sky kay Earth.

"Get out of my office, now!" Sky startled. Dahil ngayon lang niya narinig sumigaw si Earth. Dumagundong ang boses nito. Napatingin sa kanya si Tasia, tinaasan niya ito ng kilay.

"Alis na!" Untag niya dito.

"Hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi nito sa kanya.

"Oo talaga! Ihahampas ko pa 'tong upuan na 'to sayo! Bwisit ka!" Sigaw niya pabalik dito. And again, nakatingin ang mga empleyado sa buong floor sa kanya. Aba, familiar scene lang. Pero, nagtatawanan na ngayon ang mga empleyado.

"Idol talaga si Ma'am Sky!"

"Taob e!"

Yan ang ilang sinasabi ng empleyado.

"Okay back to work." Sabi ni Earth. Bigla naman siya nitong hinila pabalik sa office nito. Iniharap sa kanya.

"You okay?" Earth cupped her cheeks.

"O-oo naman."

"She didn't hurt you?"

"No. Ako nga 'tong mananakit sa kanya e." Natatawang sagot niya dito. Bigla siya nitong niyakap, and kissed her hair.

"God, thank you for the blessing." Biglang sabi ni Earth.

"Ha? Anong blessing?"

"You. You're the blessing in my life. If I didn't know your brother, maybe I would just be sitting here, and not minding the other things."

"Kikiligin na ba ako?"

"Lagi ka naman kinikilig sakin e." Itinaas-baba pa nito ang mga kilay.

"Heh! Ewan ko sayo." And crinkled her nose. And rolled her eyes.

"Why is she here by the way?" Takang tanong ni Earth.

"Di mo alam?"

"Would I ask if I know?" Earth imitated the way she rolls her eyes.

"Wag mo nga akong ginagaya, Mister! Tumawag siya sa akin kaninang umaga. Bwisit na yun. Ang ganda ng pinapanuod ko. Sabi niya, magpunta ako dito. Bantayan daw kita. Not that I don't trust you, but I really do. Wala lang talaga akong tiwala sa hilatsa ng pagmumuka ng animal na yun! Nakakabanas siya ha? Dapat pala talaga hinampas ko ng upuan yun e. Nang natatauhan!"

She heard Earth laugh. "Galit ka na talaga niyan, Wife?"

"Tss, oo no! Kakasira siya ng araw. Tapos, gusto pa atang palabasin na siya daw ang mahal mo. E hello? Ex na kaya siya! So, anong gusto niyang palabasin? Siya ang one great love mo? Ulol siya kamo. Itsura niyang yun? Papasa sa one great love mo? Asa pa siya!"

"So, who exactly is my one great love, Wife?"

"Tinatanong pa ba yan? Edi a--Wait, sino nga ba?" Nakakunot na tanong dito ni Sky.

"Why not ask yourself?"

"Ako?"

"No. The chair, Wife. The chair."

"E kung ikaw kaya ang hampasin ko rin ng upuan? Tutal naman, hindi ko natuloy yung--" She was cut off when he suddenly pulled her, cupped her cheeks and kiss her fully in her lips.

"Mainit nga ulo mo. Ang daldal mo e." Earth stated nang magkadikit ang noo nila after the kiss.

"E sino bang hindi iinit ang ulo dun? Tss."

"If I would be in your position, iinit din siguro?"

"Kinakampihan mo lang ako e! Hmp! Anong tingin sakin ni Tasia, ipapamigay ka sa kanya? Ano ko, martyr? Ulol siya e. No way, as in! Over my dead body na ibibigay kita sa kanya!"

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon