EPILOGUE PART 2

21.9K 263 1
                                    

Nasa Beach sila ngayon na pag-aari ng pinsan ni Sky na si Yvo at kapatid ni Lance na si Loju. White sand ito at puro palm trees. Masarap magrelax nga dito.

Nagpark muna si Earth sa parking ng resort. Sobrang cozy ng resort nila Yvo at Loju.

Sinalubong silang mag-asawa ni Chase. Ang panganay nina Yvo at Loju. Naiwan pa kasi sa sasakyan si Thunder at Hero dahil tulog pa si Hero. Hawak naman niya ang bunso nilang si Sean.

"Good morning, Tito, Tita! Hi, Sean." Nagfistbump si Earth at Chase. Nakipagbeso naman sakanya ito at ginulo ang buhok ni Sean.

"Kuya Chase naman e, yung buhok ko." Sean pouted. Chase laughs.

"Nasan nga po pala si Thunder?" Hanap nito sa pinsan.

"Nasa sasakyan pa. Ginigising si Hero." Sagot niya.

"Hero? Hmm. Her name sounds familiar." Nagisip ito. "Uh yea. Hero Valenciaga from the Comm Dept. Girlfriend ni Thunder, Tita?"

"Hindi. Hindi pa." Sky smiled.

"Oh, I see. There they are." Napalingon silang magasawa sa likod. Si Sean, andun sa balcony. Halata mong kakagising nga lang ni Hero dahil sa mata nito. Nakasukbit dito ang backpack nito.

"'Zup bro?" Bati dito ni Chase. Nag-fist bump muna ang magpinsan. "And you are?" Nakangisi ito kay Hero.

"Uh, Hero." Tinanggap naman nito ang nakalahad na kamay ni Chase. Napatingin ito sa pinsan niyang si Thunder.

"Well, enjoy your vacation here, guys. Sa Reception Area niyo na lang po kunin ang susi ng kwarto niyo. Gotta go now."

Dalawang susi lang ang binigay sa kanila. Dalawang presidential suite. Hindi akalain ni Hero na ganun ang ibibigay ni Chase sa kanila. Well, she knows Chase. Who wouldn't? Ang daming may gustong babae rito. Too bad, Chase only got the eyes for Parris Samaniego. Na muka namang aso't pusa ang dalawa.

Teka lang muna, saan ba siya matutulog?

"We're in the same room." Hindi niya namalayan na kalapit na pala niya si Thunder.

"Ah, ha?"

"I said, we're in the same room."

"Ha? Paano? Bakit?"

"We'll be sharing the presidential suite. Two beds to be exact. Unless you want us to share in one bed?" Thunder grins.

Hindi napigilan na suntukin ni Hero ito sa braso na ikinatawa naman ni Thunder.

"What was that for?"

"Perv! Perv neighbor!" Nakabusangot nitong sagot sa kanya.

"Hey! We're already friends!" Apela niya.

"Tse!" Ibinagsak nito ang sarili sa kama pagkabukas pa lang niya ng presidential suite.

After a few minutes, he heard her little snores. Tulog nga si Hero. Seryoso, tulog nanaman? Binuksan niya ang aircon at inayos ang comforter nito.

Lumabas muna si Thunder sa kwarto nila at dumiretso sa suite ng magulang niya at ni Sean. Naabutan niyang nagaayos ng gamit ang nanay niya habang naglalaro naman si Sean sa may kama. Now, where is his dad?

"Where's tatay?" Tanong niya sa dalawa.

"Nagpunta sa dining ng resort. Would you two want seafood for lunch?"

"Uh-huh." Sagot ni Sean.

"Yep."

"Where's Hero? Di mo ata kasunod?"

My Arranged Marriage Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon