Chapter 8
Raid
"Saan ka ba nagpupupunta babae ka!" Salubong sa akin ni daisy nang makabalik ng dressing room. Nakabihis na siya at handa ng umuwi. "Kanina pa kita hinahanap!"
Napayuko naman ako, ayaw na salubungin ang kaniyang nagtatanong na mukha.
"Uhm...doon lang"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Saan nga! Alam mo bang nagti text na sa akin si jack? Hinahanap na tayo!"
"Doon...uhm..may customer nga kasi ako diba?"
"Oh, asan na?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Alam kong naghahanap siya ng dugo, ngunit kahit bakas wala. She was expecting some meat, i know. We are all expecting that at the end of the day. Lahat ng kustomer namin always ends up in our stomach.
But not this one...
Napakagat ako sa labi. "W-wala..."
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay. "Anong ibig mong sabihin na wala? Wala as in wala? Hindi mo nai—"
I cut her off. "Hindi"
Bumuga siya ng marahas na hininga at inilingan ako. "You better prepare for jack's wrath"
Tumango ako. "I know" bulong ko.
"O siya. Magbihis ka na. Para makauwi na tayo"
Tumango ako at nagbihis na nga. Sumakay kami ng taxi pauwi at pagkarating na pagkarating sa lungga namin, sinalubong kami kaagad ng mga lalaking kasama namin. Marami sila, puro tropa ni jack.
Tumawa naman si daisy at sayang-saya na inabit sa kanila ang malaking plastik na alam ko na kung ano ang laman.
Nakita ko naman na papalapit sa jack. Tumigil siya sa harapan ko at tumaas ang kaniyang kilay sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Nakatungo lang. I know what he's expecting from me. My part of the contribution.
"Hay! Bokya yang si Y/n ngayon gabi jack. Wag ka ng umasa diyan" Si daisy na nakaupo na sa sofa, tinatanggal ang heels.
Mas lalo akong kinabahan at iniwas ang mukha. I can feel his glare at me.
"Anong nangyari?" Mababa niyang bulong sa akin.
Hinawakan niya ako ng mahigpit sa forearm at hinila papuntang kusina.
"Lintek y/n! Bakit wala kang uwi ngayong gabi! Anong nangyari sayo!" Singhal niya sa akin nang makalayo na kami sa mga tropa niya.
"I—hindi k-ko sinasadya"
"Anong ibig mong sabihing hindi sinasadya!?"
"N-naka—nakatakas k-kasi siya..."
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Dahan-dahang nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Putangina naman y/n!" Napahilamos siya sa mukha. "Putangina ang palpak mo talagang babae ka!!!"
Napapikit ako sa sigaw niyang iyon.
Dinuro niya ako. Nanggigigil.
"Paano ngayon yan! Kapag nalaman niyan ng nasa taas, malilintikan tayo niyan! Bakit mo kasi pinatakas puta ka talaga!tumingin ka nga sa akin! Bakit ka nakatungo!?"
He harshly gripped my cheeks and forced me to look at him.
"Hahanapin natin yang lalaking yan, at ituturo mo sa akin. Putangina, dumagdag pa yang katangahan mo sa poproblemahin ko!" Singhal pa niya.
BINABASA MO ANG
The Demigod's missing lover (BasilioxReader) (Trese series #3)
Fanfiction✔️complete Trese's Hot dork basilio .... Pagkatapos makipag relasyon sa isang kalahating Diyos, ang tatlong taon na magkasama kayo ay halos malapit na sa maituturi mong perpekto na buhay, not until that one night you were left alone, and he came bac...