21

64 6 0
                                    

Chapter 21

Ouch

Ilang araw din ang nakalipas, pero hindu pa din mawala sa isip ko yung sinabi nung kapit-bahay. Her words and precise description of the girl na 'kuno' babae ni basilio ay patuloy na tumatakbo sa isip ko.

I was truly bothered by it, most especially that she mentioned a name. So maybe, what she was saying was true.

A part of me was believing but another part left was fighting, convincing myself that all of it wasn't true. I kept on denying to myself, i refused to believe that fact about basilio.

Kilala ko si basilio.

My basilio loved me so much, then...and now.

My basilio wouldn't anything that would hurt me. Gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya, gano'n ang pagkakakilala ko sa pagmamahal niya sa akin.

Pero noon yon diba y/n? Gano'n yung pagkakakilala mo sa kaniya noon? Pano naman ngayon? Sigurado ka bang kilala mo pa din siya? My insides were fighting.

Siguro nga ang mabuting gawin ay ang tanungin si basilio. Pero hindi, natatakot ako. That's why hanggang ngayon dala-dala ko pa din ang bigat.

The weight is slowly hurting me, it aches every single day.

At kahit na gustuhin ko mang tanungin si basilio, hindi ko magawa dahil palagi silang wala dito. He said they are working on a very serious case na kailangan talagang tutukan.

Kapag uuwi naman sila, palagi siyang pagod at kaagad na nakakatulog. And in the morning, hindi pa ako nakakagising aalis ulit sila.

The cycle goes on and on and on...

And i have to bear the weight everyday.

Gusto kong tanungin ulit yung becca pero hindi ko na siya nakita pa ulit.

"May alam ka bang babae na pangalan ay amie?"

Hindi ko na napigilan ang magtanong nang muling bumisita dito ang pinsan nilang babae.

Nagulat naman na napabaling sa akin ang buntis.

"Huh? S-saan mo narinig ang pangalan na yan?"

Hindi ko lubos maisip kung bakit kinakabahan ang babae. Kung ganito ang reaksyon niya, malamang e may alam nga ito...

"So kilala mo nga?"

Napalunok ito sabay iwas ng tingin na tila ayaw na magkasalubong ang mga mata namin.

"Oo pero...ayokong makialam y/n. Si basilio na lang siguro ang tanungin mo" sabi niya.

Tumayo na siya at tinapik ang balikat ko.

Pero bago pa ito tuluyang makaakyat sa kwarto niya, nagsalita pa ito.

Nilingon niya ako na may awa sa kaniyang mukha.

"Pasensya ka na talaga y/n. Ayaw ko lang talagang makialam. I like you...really...pero sa tingin ko wala ako sa posisyon para makialam, katulad ng hindi pangingialam ni basilio o kahit sino sa mga pinsan ko sa mga desisyon ko. Pasensya ka na..."

Sa huli ay napabuntong hininga na lang ako ng malakas nang matanto na wala akong makukuha na sagot.

Nang tanungin ko naman si hank, katulad sa reaksyon ng buntis, nagulat rin ito at nagtanong kung saan ko narinig. Pero sa huli ay hindi din ako sinagot.

Now my head is in complete turmoil. Witnessing their reactions, i can tell that indeed something was wrong. Na may kailangan akong malaman, na may tinatago si basilio sa akin.

Kinagabihan, it just so happened na maaga silang nakauwi. Well at least dumating sila na gising pa ako.

Dumeretso si basilio sa banyo at ako naman ay napaayos ng upo. Umupo ako sa paanan ng kama at matiyagang naghintay sa kaniya.

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon