Chapter 4
She's the devil
Nagkatinginan kaming dalawa. Tinitigan niya ako ng malalim gamit ang puro itim niyang mga mata. Napalunok ako dahil doon.
Kumakalabog ng husto ang dibdib ko.
"Wag kang aalis rito"
"Huh?"
Walang salita siyang umalis pero hindi nagtagal ng isang minuto ay bumalik din naman siya kaagad. Nakita kong naglalakad siya papunta sa akin ngunit nakatungo at may hinahawi sa semento. Sa bawat dinadaan niya ay hinahawi siya na tila may binubura siya roon.
"Anong ginagawa mo?"
Sa muli ay hindi niya ako sinagot at madalian akong hinila sa mas madilim na parte ng eskinita. Kung hindi lang siya nakahawak sa akin baka nga iisipin ko ng wala akong kasama.
"Basilio kaila—"
"Shh!!"
Sumimangot ako. "Kailangan ko ng umali—"
"Ssshhh!!!"
Sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi niya ako nakikita. Magsasalita na sana muli ako nang may marinig akong mga boses.
At paglingon ko sa gilid ay nakita kong dumaan ang mga pamilyar na mga mukha.
Si alexndra at si crispin ba iyon? Yung kambal niya?
I felt him stilled nang tumigil ang dalawa sa dulo ng eskinita, kung saan ako hinila ni basilio.
Katulad kanina kay basilio, nakatingin ang mga ito sa sahig na tila may nakikita na hindi ko nakikita. Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni basilio. Sunod ay hinila niya ako patagilid at tila tinabon ang sariling katawan sa akin.
"Anong ginagawa—"
Gano'n na lamang ang bigla ko nang hatakin niya ang likod ng ulo ko at siniil ng halik ang aking mga labi.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nakatugon dahil sa sobrang bigla. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na binitawan ang kamay ko at hinatak ako sa beywang, palapit sa kaniya.
"Bakit gano'n bossing? Tumigil dito yung nga footprints?"
"Hindi ko din alam crispin"
Rinig kong pag-uusap ng dalawa.
Muntikan ko ng makalimutan kung gaano kalambot ang kaniyang mga labi.
"Nasaan na ba si basilio?"
Pipikit na sana ako nang tumigil ang paggalaw ng kaniyang labi. I felt him tilting his head a bit para lingunin ang mga nag-uusap. Sunod ay Inilayo niya na ang mukha niya sa akin.
"Hindi ko alam bossing, bigla na lang nawala e. Baka nandoon sa mga pulis?"
"Sige. Puntahan na natin"
Yon ang huling narinig kong pag-uusap nila bago ako nakarinig ng papalayong mga yabag.
Naghintay ang kaharap ng ilang mga minuto bago ako hinatak muli papunta sa medyo maliwanag na parte.
"Anong ginagawa mo rito!" Pasinghal kong tanong. "Tsaka, bitawan mo nga ako!"
Hindi siya tumugon. Bagkus ay nakatingin pa rin siya sa akin. Maamo ang kaniyang mga mata habang iniisa-isa ang bawat parte ng mukha ko, na tila sinasulo niya iyon.
Tinaas niya ang kaniyang kamay para hawakan ang aking pisngi. Naramdaman ko pa kung gaano iyong nanginginig. Malambot at maingat niyang hinawakan ang pisngi ko, na tila isa akong babasaging vase.
BINABASA MO ANG
The Demigod's missing lover (BasilioxReader) (Trese series #3)
Fanfic✔️complete Trese's Hot dork basilio .... Pagkatapos makipag relasyon sa isang kalahating Diyos, ang tatlong taon na magkasama kayo ay halos malapit na sa maituturi mong perpekto na buhay, not until that one night you were left alone, and he came bac...