25

68 7 0
                                    

Chapter 24

Gone

Isang linggo na din. Isang linggo na mula nung malaman ko na may girlfriend pala ang lintek na si basilio.

Na niloloko niya ako. Na matagal niya na akong niloloko.

Kasabay no'n, isang linggo ko na din siyang hindi pinapansin. Immature man sa mata ng iba, pero mas mabuti na yon kesa magsigawan kami. Bukod sa nakakahiya kila alexandra, mas pinipili kong manahimik lang kapag galit, kahit noon. Hindi ako yung tipong naninigaw.

But hell would break loose once i'm angry. Tahimik lang ako, but i always make sure that i would get back at that person who inflicted me pain.

Katulad na lang ngayon...

Physical torture is not my forté, but mental and emotional is.

So here i am. Kakalabas ko lang ng banyo. Si basilio naman ay nakahiga na doon sa sofa, handa ng matulog pagkatapos ang nakakapagod na araw para sa kaniya.

Didn't i mentioned that he sleeps in the sofa for nearly a wek na din? Oo. Sa sofa niyang napili na matulog. Dahil siguro nararamdaman niya na parang tuod ako sa tuwing nagtatama ang balat namin. Hindi din ako mapakali kapag katabi ko siya.

Mabuti naman...gago...

Ilang beses ko na din siyang namura sa isip ko. Pero walang magagawa ang mura na yon. Hindi ako makuntento hangga't hindi ako nakakabawi sa kaniya.

I want him to feel the pain i feel. The same pain that he inflicted on me. I want him to cry blood. Sob hard till he can't breathe no more. Katulad na lang sa impit na pag-iyak ko tuwing gabi.

I still can't get over it.

So i want him to suffer.

Dumako ang tingin niya sa akin.

Napangisi naman ako bago hinayaan ang tuwalya na nakapulupot sa aking katawan na bumagsak sa sahig.

Narinig ko ang bahagya niyang pagsinghap. Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Matutulog na ako." Malamig kong sabi kahit hindi naman siya nagtanong.

Sumampa na ako sa kama.

"N-nang walang saplot?" Utal niya.

Hindi ko siya sinagot o binalingan man lang. Nagpatuloy lang ako sa paghiga at pagtalukbong ng kumot.

I heard him groan.

"Uubohin ka niyan Y/n!" Rinig ko ang irita sa kaniyang boses.

Ipinikit ko ang mata at hindi pa rin siya pinagtuonan ng pansin.

Maya-maya pa ay may malakas na kamay na humablot sa aking braso, papaupo.

"Ano ba!! Ano bang problema mo ha!!"

"Magbihis ka na" matigas na sabi ni basilio.

Nakipagtitigan ako sa kaniya. Sinalubong ko ang matiim niyang titig.

Hindi ako magpapatalo sayo ugok!

"Wala ka ng pakialam doon! E sa gusto kong matulog na nakahubad e! Pabayaan mo ako!"

"Magkakasakit ka nga! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" Sigaw niya din pabalik.

Kakasabi ko lang na hindi ako yung tipong hilig na sumigaw, pero minsan talaga, may mga oras na kailangan kong sumigaw, lalo na't nakakairita ang taong kaharap mo.

"At Bakit naman kita susundin? Hindi naman kita kaano-ano"

Natigilan siya sa sinabi kong iyon, ngunit ilang segundo ay nabalik ang kunot sa kaniyang noo.

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon