2

100 9 0
                                    


Chapter 2

Shock




Third person's POV



Katulad ng mga nagdaang araw sa loob ng limang taon, napabalikwas si basilio ng bangon dahil sa isang masamang panaginip.

Ang isang partikular na panaginip na iyon—bangungot, na paulit-ulit siyang minumulto.

Gabi-gabi na lang...buntong-hininga niya.

Napasandal siya sa headboard ng kaniyang kama sabay inis na hilamos sa mukha.

Napapikit siya ng mariin na tila nagfa flashback ang kaniyang napapanaginipan sa kaniyang utak.

Ang mukha ni Y/n...

Ang apartment, ang sahig na napupuno ng dugo...

Ang pagkawala ng mahal niya...

Paulit-ulit iyon. Kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang burahin sa utak niya ang maganda at inosenteng mukha ng babae.

It's hard, she was my first love. I loved her so much...we were happy, then she just...disappeared, without a trace.

He always fails to believe that she's dead, kahit na lahat ng tao ay yon ang paniwala, siya hindi niya magawang paniwalaan, ayaw niya.

Hindi niya na namalayan na may munting luha na nakatakas na naman sa gilid ng kaniyang mata. Marahas niyang iyong pinahid.

Dumukwang siya at binuksan ang isang drawer sa night stand. He withdrew a old looking file inside. Luma na iyon at medyo inaalikabok.

Binuksan niya ang kulay puting folder at bumungad sa kaniya ang mukha ng kaniyang mahal. Itong hawak niya ay yung file na inabot sa kaniya nung kapitan sa kaniya nung araw na 'yon. Siguro hindi mabuti na itinagi niya pa iyon, pinapaalala lang sa kaniya ng papel na iyon na talagang hindi na babalik sa kaniya ang babae.

Pero talagang gusto niya lang na titigan ang larawan ng babae roon. After all wala siyang naitago na larawan nilang dalawa, wala naman kasi siyang selpon noon. Ngunit si y/n meron at mahilig ang babae na kumuha ng litrato nilang dalawa at minsan ay mga stolen picture niya. Ngunit wala na din ang selpon na iyon, ewan ba at hindi mahanap-hanap ng mga pulis. Kung nahanap man sana kahit sira, okay lang naman iyon dahil pwede naman niyang mapakiusapan si jobert, ang tech boy na multo sa mall. Siguradong kaya niyang iritrieve ang mga larawan roon ngunit wala talaga. Kaya wala siyang nagawa kundi itago itong file, para kahit papaano...hindi niya makalimutan ang mukha ng babae...takot siyang makalimutan niya siya.

Hindi na nakatulog ulit ang binata. He just spend his whole night staring at the unmoving picture, hindi siya nagsasawa, hanggang sa nag-umaga na at napilitan siyang bumangon dahil kumatok na ang kuya niya, kailangan na nilang kumain sa baba at maghanda para sa misyon nila ngayong araw.

Naligo siya at napapikit siya ng mariin dahil sa bahagyang paghapdi ng mga mata. Ngayon bahagya siyang nagsisisi na hindi siya natulog ulit. Pucha ang hapdi sa mata!

Nang makapagbihis at makababa, nakita niyang naroon na ang lahat at nag-aagahan. Napatingin ang lahat sa kaniya.

"Oh? Bumaba ka pa? Sana hindi ka na lang bumaba" sarkastikong sabi ng isa pa nilang babae na pinsan.

Sinamaan niya ito ng tingin na agad din namang tinugon nito.

Siya na lang ang unang umiwas ng tingin dahil ayaw niya nang makipag-away sa pinsan ng ganito kaaga.

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon