1

89 8 0
                                    


Check my profile for more Trese Series ;)

📍Trese series #1 (Maliksi Armanaz)
📍Trese series #2 (Dominic Villaceran)
📍Trese series #3 (Basilio Talagbusao)
📍Trese series #4 (Crispin Talagbusao)

~~~~~




Chapter 1

His Mask







Third Person's POV

Gabi na din ngunit nilalakbay pa din ng tatlong tao; isang babae at dalawang lalaki ang isang madilim at masikip na eskinita. Walang kareaksyon ang mga mukha nila habang naglalakad. Tila walang lugar para sa biro ang punta nila doon.

Nasa likod lamang ang dalawang lalaki habang patuloy na naglalakad ang babae. Hanggang sa tumigil ito sa harap ng isang manhole. Ilang segundo lang ang paghintay ng babae roon bago kusang nag elevate ang takip ng nasabing manhole.

"Magandang gabi nuno"

"Ahh...munting trese, kamusta ka?" Sabi ng may maliit na boses. Dilaw ang mga mata ng duwende at tila nagsilbing liwanag sa madilim na eskinita.

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Okay lang din naman. Pero alam kung ano ang iyong sadya, hindi ka lamang pumunta rito para makipagkamustahan sa akin, tama?"

Tahimik na tumango si alexandra. Maya-maya pa ay may dinukot ito sa likod ng kaniyang coat at hinagis ito na agad namang sinalo ng duwende, nangingiti.

Pero maya ay napasimangot.

"Hany ang mga ito" reklamo niya.

"Pasensya ka na nuno, nagkaubusan ng chocnut sa tindahan"

Umangil ang duwende pero tinanggap din naman. Nagsimula na silang mag-usap. Nagtagal pa ang pag-uusap ng dalawa ng ilang mga minuto. Matiyaga namang naghihintay ang dalawang lalaki sa likod niya, yung isa ay natutulala sa kawalan.

"Maraming salamat nuno. Nawa'y gabayan kayo ni bathala" iyon ang huling sinabi ng babaeng trese bago tumalikod.

Pinauna nila si alexandra bago sumunod. Ngunit naka isang hakbang pa lang sila ay narinig nilang sumitsit yung duwende. Nang lingunin ay nakita nila na nakatingin ito kay basilio.

Kumunot ang noo ng lalaki. Nagtataka.

"Bakit?" Tanong niya rito gamit ang mababang boses.

"May isang sinisinta na babalik sa buhay mo. Magugulat ka pero...siguradong ikakasiya mo iyon"

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo, hindi alam kung ano ang tinutukoy ng maliit na nilalang.

"Ano?"

"Basta, humanda ka" iyon ang huling sabi nito bago bumaba na at nawala sa kanilang paningin.

Naglalakad na sila ngayon pabalik ng kotse pero dala-dala pa din sa isipan ng binata ang salita ng nuno. Pilit niya iyong kinokonekta at hindi niya nagugustahan ang kinakalabasan ng sagot niya.

"Anong iniisip mo?" Tapik sa kaniya ng kakambal.

"Paano kung...paano kung yung sinasabi ni nuno...ang tinutukoy niya ay si—"

Pinutol siya ng kuya.

"Si y/n? Patay na siya Basilio" anito na kinakurot ng puso niya.

Napabuntong hininga si basilio. Naging banayad naman ang mukha ng kaniyang kuya.

Hinawakan siya nito sa balikat. "Pasensya ka na, alam ko kung gaano iyon nakaapekto sa'yo basilio pero....talagang napaka impossible"

Nang makapasok ang dalawa sa sasakyan at naiwan pa rin siya sa labas, napabulong na lamang siya sa sarili. "Alam ko" aniya sa mapait na tono.

Pumasok na siya at nagsimula ng magmaneho ang kaniyang kakambal. Si alexandra naman ay nasa back seat.

"May dadaanan muna tayo." Ani nito.

Hindi niya na narinig pa ang mga pinag-usapan ng dalawa dahil nakatulala na siya sa labas ng bintana.

Limang taon na din ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon na siyang naghatid ng matinding epekto sa kaniya. Ang nangyari nung gabing iyon ay tila bangungot para sa kaniya—bangungot na gusto niyang takasan.

Minsan nga iniisip niyang isa lamang malaking panaginip ang lahat ng ito. Umaasa siya na baka mapagod din ang utak niya sa kakaiisip ng senaryo at kahit anong oras ay magigising siya—gigising siya at matatagpuan niya ang mahal niya sa tabi niya, nakayakap sa kaniya o di kaya ay pilit siyang ginigising, at kapag kakalma na siya ay sasabihin nito sa lalaki na ang lahat ng ito ay masamang paaginip lamang, na hindi totoo ang lahat ng ito, na hindi naman talaga siya nito iiwan kailanman.

Ngunit napakaimpossible. Limang taon na siyang paulit-ulit na nagigising, napakaimpossible.

Hindi niya pa rin matanggap. Kaya siguro pumayag siyang makipag-tulungan kay alexandra. Kasi hindi alam ng karamihan na lagpas-lagpas ang galit niya sa mga aswang. Gusto niyang ubusin ang mga angkan nito pero alam niyang masama iyon dahil tatlong aswang lang naman ang nagtulong-tulong para patayin si Y/n. At lahat sila patay na.

He took matters in his own hands. Hindi iyon alam ni alexandra o ng kakambal niya. Lahat sila ay akala naka move on na siya. Pero hindi. Kahit kailanman ay hindi siya makakapag move on, moving on means letting go, and he's not letting go of his love, at least the memories he had with her.

Tumatawa man siya, bumabanat ng mga jokes sa marami, but that is only for show, he forces that exterior mask everyday.

They can't know that he's still grieving. Ironic how beneath his mask, has another layer of mask, ironically funny.

Tumigil ang sasakyan sa isang napakatahimik na lugar, at nang malakabas sila ay tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Bunch of memories came flashing on his head. And he again felt his heart clenching.

They are right now, standing in front of a park na kung saan ay palagi silang namamasyal ni Y/n noon.

Tinanong niya ang mga kasama niya kung anong ginagawa nila rito, sagot nila ay may huling misyon daw sila rito.

Napabuga siya ng marahas na hininga. Parang gusto niya na lang na manatili sa sasakyan. Sobrang napakarami ng masasayang alaala nila rito. Pero wala siyang nagawa.

Sinuot niya na lang ang kaniyang mask. Not his actual plastic mask but his exterior mask. No one can see...Bahala ng mamatay siya sa sakit at malakas na kabog ng puso.

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon