28

71 6 0
                                    

Chapter 28

Redemption

Nakatabon ako sa tenga, nakapikit ng mariin habang nakasiksik sa kama.

Kahit narito ako sa kwarto ni basilio, sa taas, naririnig ko pa rin ang sigaw, ang boses ni basilio na naghihingi ng saklolo.

It's been seven days...

Seven days ever since we found out that the knife used to stab him was cursed. May kapangyarihan iyon na sunugin ang sinomang masaksak o masugatan lang man ng kutsilyong iyon.

Kung normal na tao lang ang nasaksak, o kahit anong nilalang, baka namatay na. But basilio....kalahating diyos siya....

Anak ng diyos ng digmaan, anak ni datu talagbusao.

Minana nila ni cripsin ang dugo nito at pati na rin ang kapangyarihan niyang patuloy na gumaling sa kahit ano mang pinsala.

Ang kutsilyong iyon, sa tuwing ginagaling ni basilio ang kaniyang sarili, while he thoroughly aids himself, forming back his muscles and flesh, gano'n din ang pagsunog nito sa kaniyang bagong form na balat.

Before he could even take his second breath, kaagad siyang nasusunog ulit.

And i don't understand how crispin can handle this. Lalo na't siya ang tinatawag ng kaniyang bunsong kapatid, hinihingan ng saklolo habang ito'y patuloy na sinusunog.

The cycle would just repeat, continuously....for seven days.

At hindi ko kaya...hindi ko kinakaya ang boses ni basilio, his voice in vain, and his face in flickering pain. Sobrang sakit para sa akin.

And i'm being selfish again, dahil sa halip na nasa tabi niya ako ngayon, ina assure siya na magiging okay lang ang lahat bago na naman siya bumalik sa pagiging buto, narito ako, nagtatago, naduduwag, hindi siya kayang tingnan.

Sobrang sakit para sa akin na wala akong magawa. Na hindi ako makatulong para kahit papaano ay maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman, na matigil ang paghihirap niya.

I'm useless. And it hurt me more.

Ilang minuto pa, unti-unting lumuwag ang pagdiin ko sa tenga nang hindi ko na marinig ang boses ni basilio.

Suminghot ako at pinahiran ang gilid ng mata. Dinama ko unan at basa na iyon ng luha ko.

Bumuntong-hininga ako ng malakas bago umalis ng kama, tumayo.

Bago lumabas ay napahawak ako sa singsing na suot ko.

Sumakit na naman ang dibdib ko. Napakagat ako sa kabi habang pinapasadahan ng daliri yung maliliit at detalyado na diyamante ng singsing.

Napangiti ako ng mapait bago lumabas.

Nakarating na ako sa labas ng library nang may marinig, nagtatalo sila sa loob.

Rinig ko ang boses ng pinsan nilang babae na sumisigaw, tila nagmamakaawa.

Binuksan ko ang pintuan at halos mamutla ako, nilukob ng kaba ang aking dibdib nang makitang tinututokan ni crispin ng kaniyang baril si basilio sa ulo.

Nag-aagaw ang desperasyon at poot sa nga mata nito, nakatiim bagang habang tinututok ang baril sa bungo ng bunsong kapatid.

Kaagad akong dumalo, tumakbo at ginawang shield ang sariling katawan laban sa baril ni crispin.

Ngayon, sa dibdib ko na nakatutok ang baril na siyang kinagulat ni crispin.

"Anong ginagawa mo crispin!!! Bakit mo tinututokan ng baril si basilio!!—Ang kapatid mo!!" Galit na galit kong sigaw.

"Wag.ka.diyan.y/n..."

Natigilan pa ako ng bahagya dahil sa pagkakataon niya lang ginamit sa akin ang ganoon niyang tono. Mariin, at galit.

"Babarilin mo si basilio!?" Hindi makapaniwala kong singhal.

"O-oo! Oo y/n! Wala na akong ibang maisip, wala ng option! Kailangan kong gawin to! Kaya tumabi ka riyan bago pa siya regenerate ulit!"

"Killing him won't solve this crispin!—NO! I WON'T LET YOU!!"

"Kapatid ko siya! Ako ang magde desisyon!" Singhal niya pabalik.

I scoffed at him.

Pagalit kong tinaas ang kamay. Natigilan naman siya nang makita ang singsing.

"Saan mo nakuha yan? Sa mama namin yan..." gulat niyang saad.

"I'm his fiancé cripsin kaya ako...ako...ang magdedisyon" I emphasized the word 'ako'.

"Sa sitwasyon na to, ang mahalaga na lang ay ang bigyan ng katapusan ang pagdurusa niya....kuya niya ako kaya mahirap para sa akin na wala akong magawa...m-mahirap y/n..."

"So your only option is to plant a bullet on his skull?" Mapait kong bulong. "Kung gayon..." i moved his gun at tinutok iyon ng mas malapit sa dibdib ko. "Patayin mo na lang din ako..."

"Nababaliw ka na"

"If this is my way to reunite with my love, to be a happy...family...then so be it..."

Natigilan siya—silang lahat na narito ngayon.

"A-anong ibig mong sabihin y/n?" Rinig kong tanong ni maliksi.

Pero hindi ko siya nilingon, patuloy lamang ako sa pagtitigan kay crispin.

Hindi pa din niya binababa ang baril.

He's really desperate to end his brother...

"If you're going to kill basilio...the father of my child...then fine...might as well kill me, and your nephew..."

Lahat sila napasinghap roon.

Kita din sa mukha ni crispin ang gulat. Unti-unti niyang ibinaba ang baril.

Nanghihina niya akong tinitigan bago dumako ang tingin sa tiyan ko, pagkatapos balik ulit sa mukha ko.

"B-bu—buntis k-ka?"

Tumango ako.

Four days after knowing, i think it's time for them to know, and in hopes that this child would be its father's redemption, and indeed, it was true...it saved him, it saved us.

"Oo. Buntis ako...and this child need its father, so please...please.....crispin..."

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon