23

66 4 0
                                    

Chapter 23

Fight for you

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. I wasn't even in the right mind to think properly. Kanina pa ako lakad ng lakad. Paying no heed on where to go. I could careless kung saan man ako makarating, basta gusto ko lang makalayo roon.

Kung tao lang ako, baka kanina pa ako uminom ng alak. How badly i wanted to chug some alcohol, feel the warm delicious feeling of the liquid on my throat, get drunk. Pero hindi, i was not a regular human anymore, baka isuka ko lang yung inumin.

Hindi ko alam pero natagpuan ko na lamang ang sarili sa paborito naming park ni basilio. Siguro nga gustong-gusto kong sinasaktan ang sarili dahil pinili ko pang pumunta rito considering that basilio and i had so many fun memories here.

Umupo lang ako roon sa bench. Natutulala. Paminsan-minsan ay nakatingin sa mga couples na dumadaan, naiingit.

Gabi na din nang mapagpasyahan kong umalis roon.

Now i'm not quite sure on where to go. Wala akong mapuntahan. All i have is my small purse containing money. Wala din akong cellphone. What's the use anyways? I have no friends.

Napagdesisyunan kong kumuha na lang ng taxi, uuwi na lang ako sa lumang lungga ni jack noon, pero nang sana ay kukuha na ako ng pera sa wallet, narinig ko ang pagtunong na tila susi sa loob. And that's when i realized, ibinigay nga pala ni basilio yung spare key sa akin, yung susi sa lumang apartment ko na binili niya.

And i just found myself riding a taxi, papunta sa luma kong apartment.

Hindi naman iyon ginagamit ni basilio, and he told me that it's mine now. Binigay niya sa akin, so might as well make it of use.

Nang makarating sa building, binayaran ko ang taxi at pumasok na.

Sumakay ako ng elevator. Tumunog iyon pagkatapos ng ilang segundo, hudyat na nakarating na ako sa floor ko. Pero pagkabukas pa lang ng elevator door, nakita ko na ang isang lalaki nakatayo roon sa labas ng apartment.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo rito!!" Reklamo ko.

Tumaas naman ang tingin niya sa akin, at tila nabuhayan siya ng loob.

Naglakad siya papunta sa akin. Sasalubungin pa sana ako ng yakap nang tinulak ko siya.

"Anong ginagawa mo dito basilio!!"

"I knew you'd come here" sabi niya.

Umiling ako. "I'm leaving now"

Nakatalikod na ako nang magsalita siya.

"Saan ka naman pupunta?"

"Wala ka ng pakialam doon" matigas kong sabi.

Bumuntong hininga siya ng malakas. Minasahe ang noo na tila pagod ito.

"I know i told you that this apartment would be yours. Pero iuuwi kita. Please, hayaan mo akong iuwi kita" his eyes begging.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pagkatapos ng lahat na ginawa mo sa akin, umaasa ka oang sasama ako sa'yo!? Hell! I don't even want to see you again basilio! Mahirap sa akin na nakikita kita! Mas lalo akong nagagalit! Mas lalo kong naaalala ang panloloko mo sa akin!!"

Gumuhit naman ang sakit sa kaniyang mukha.

"Alam kong nasaktan kita y/n, inaamis ko iyon, gago ako. Kung sa tingin mo wala akong kwenta dahil sinaktan kita, then i deserve it, i deserve your rage. Pero please...umuwi ka, kasama ko, kasi kung may isang bagay man akong hindi kayang sikmurain iyon yung iwan ka dito, na mag-isa. Natatakot ako"

The Demigod's missing lover  (BasilioxReader) (Trese series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon